^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Walang katapusan pag-import ng bigas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Walang katapusan pag-import ng bigas

ITONG Marso, umabot na sa 886,963 metric tons ng bigas ang naangkat ng Pilipinas. Kalahati niyan ay galing sa Vietnam. Ang natitirang kalahati ay inangkat mula sa Thailand at Pakistan. Ang Pilipinas ang numero unong importer ng bigas sa mundo. Ikalawa ang Indonesia, pangatlo ang China at pang-apat ang European Union. Wala pa sa kalagitnaan ang 2024, pero mahigit 800,000 metric tons na ang naaangkat. Hindi ba nakakahiya ito na naturingang agricultural na bansa ang Pilipinas pero number one rice importer. Anong maikakatwiran sa nangyayaring ito?

Dati, ang Pilipinas ang number one rice exporter sa Asya pero nabaliktad ang pangyayari. May malaking problema na hindi tinutugunan ng mga kinauukulan. Tinalo pa ng Vietnam na dinurog ng digmaan noong dekada 60. Ngayon ang Vietnam ang nagsusuplay ng bigas sa Pilipinas. Mas malaki pa ang lupang sakahan ng Pilipinas kaysa Vietnam. Saan may problema at wala nang pangarap maparami ang ani at lagi nang nagdedepende sa bigas na imported.

Sinabi minsan ni President Ferdinand Marcos na hindi katanggap-tanggap ang pag-angkat ng bigas lalo’t ang bansa ay isang agricultural na bansa. Sinabi niya ito noong 2022 nang maupong Presidente at nanungkulan ding Agriculture Secretary. Pinangako niya na magkakaroon ng pagbabago. Napabayaan aniya ang sector ng agrikultura ng mga nakaraang pamunuan. Tutulungan ang mga magsasaka para dumami ang ani. Pati ang farm to market road ay nabanggit din niyang isasaayos. Pero magkakalahati na siya sa termino, wala pa ring pag-unlad sa agrikultura at patuloy pa ang pag-angkat ng bigas.

Ngayong nananalasa ang El Niño sa bansa, walang nakikitang pagkilos sa National Irrigation Administration (NIA). Marami nang palayan ang hindi napakinabangan dahil natuyo na. Reklamo ng mga magsasaka, walang aksyon ang NIA sa kabila na may pondo para sa irigasyon. Wala raw naglalagay ng mga bomba para sa patubig gaya ng solar pump. Dahil sa kawalan ng tulong, natigang na ang mga palayan. Ang kanilang pinuhunan sa pagtatanim ay nawalang parang bula.

Habang patuloy sa pag-angkat ng bigas ang pamahalaan, patuloy naman ang mga kawatan sa pagbebenta ng NFA rice. Kamakailan lang, maraming opisyal ng NFA ang sinuspende ng Office of the Ombudsman dahil sa pagbebenta ng NFA rice sa murang halaga at hindi dumaan sa bidding. Ibinenta lamang umano sa mga pinaborang rice traders sa halagang P20 per kilo.

Nagdudulot ng pangamba at agam-agam na ang patuloy na pag-angkat ng bigas ay nagbibigay lamang ng pagkakataon sa mga tiwali na pagkaperahan ito. Kung tone-toneladang bigas ang aangkatin, marami ring pagkakakuwartahan ang mga gutom na buwaya. Hanggang kailan ang pag-angkat ng bigas?

vuukle comment

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with