^

PSN Opinyon

Retired police officials nagbigay ng statement sa ICC

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAY kumakalat na balita na nagbigay na ng kanya-kanyang statement ang mga retired police official sa International Criminal Court (ICC).

Lumutang ang pangalan ni dating Senador Antonio Tril­lanes III hinggil sa isyu na dapat nang papasukin ang ICC sa bansa upang maimbestigahan na sina dating President Duterte at dating PNP chief at ngayo’y senador Bato dela Rosa sa kampanya kontra droga.

Libu-libo ang napatay sa drug campaign kaya maraming­ mga kaanak ang nagnanais na umakto na rito ang ICC upang magkaroon ng hustisya ang pagkawala ng kani­lang mga ka­anak.Si President Ferdinand Marcos Jr, ang magpapasya para makapasok sa bansa ang ICC.

Malakas naman ang ugong na tatakbong muli si Trillanes sa pagka-senador. Si dating senador Laila de Lima naman ay tila walang balak sumawsaw sa pulitika. Pero palagay ko kumukuha lamang siya ng magandang tiyempo. Tiyak rarat­sada ito.

Samantala, may hidwaan sa pagitan nina Marcos at Du­terte matapos magtampo si First Lady Liza Marcos. Nag­tawa si VP Sara matapos tawaging bangag ni Digong si Marcos Jr.

Kalat na kalat na ngayon na nagkakaroon ng galawan sa mga kaalyado nilang partido. Marami na ang lumulukso sa kabilang bakod. Weder-weder lang ‘yan.

vuukle comment

ICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with