^

PSN Opinyon

Walang puwang ang katiwalian sa QC

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Binuo natin ang iba’t ibang online system sa ilalim ng QC E-Services portal para mapabilis ang mga transaksyon sa lokal na pamahalaan.

Kabilang na sa mga serbisyong ito ang pagkuha ng busi­ness at real property tax assessments, business at building permits, locational clearances, sanitary permits, health certi­ficates, at occupational permits, at marami pang iba.

Layunin din ng ating QC E-Services ang maisulong ang zero-contact policy bilang bahagi ng kampanya natin kontra katiwalian.

Nakalulungkot at nakadidismaya lang na kahit mayroon na tayong ganitong sistema, may ilan pa ring tauhan ng lungsod ang nagnanais gumawa ng pera sa ilegal na paraan.

Nakarating din sa akin na may ilang tao na gumagamit ng aking pangalan sa kanilang mali at maruming gawain.

Akala nila, makalulusot sila. Pero sa tulong ng QCitizens na kaisa natin sa kampanya kontra korapsiyon, nahuli na sila at nakasuhan.

Ito’y malinaw at malakas na mensahe na hindi natin palalampasin ang kanilang bawal na gawain. Hindi rin tayo magdadalawang-isip na sibakin ang mga empleyadong sangkot sa katiwalian at mga nagpi-fixer.

Marami nang naabot ang ating siyudad, lalo na pagdating sa kita, paglago ng ekonomiya at negosyo, at walang patid na paglilingkod sa QCitizens.

Sa ilalim ng aking pamumuno, nakamit ng Quezon City ang pinakamataas na audit opinion ng Commission on Audit ng tatlong sunod na taon.

Noong 2023, tinanghal tayong bilang Most Competitive­ LGU ng Cities and Municipalities Competitive Index ng De­partment of Trade and Industry (DTI) at 2023 Most Business-Friendly local government unit (LGU) ng Philip­pine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

Hindi ko hahayaang masira at mapunta sa wala ang mga pinaghirapan nating ito dahil lang sa iilang ”bad eggs” na puwede naman nating ihiwalay at itapon para hindi na makahawa pa sa matitinong empleyado ng siyudad.

Kaya nananawagan ako sa QCitizens na iparating sa akin ang anumang isyu ng katiwalian sa pamamagitan ng dedicated link sa Quezon City E-services portal.

Wala kayong dapat ikatakot dahil confidential ang inyong ipararating na reklamo. Agad ko itong aaksiyunan para mapapanagot ang mga tiwali sa aming hanay. Kahit sino pa sila, wala akong sasantuhin.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with