^

PSN Opinyon

$2-M libel suit vs vlogger

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sino ang hindi makakakilala sa vlogger na si Maharlika o Claire Contreras sa tunay na buhay? Siya’y dating kakampi ni Presidente Bongbong Marcos noong panahon ng kampanya, na ngayo’y maangas at mataray na niyang kritiko?

Si Maharlika ay idinemanda ng $2 milyong libel suit ng isang sikat na fashion designer na si Puey Quiñones. Sina Maharlika at Quiñones ay kapwa mga Pilipinong naka­base sa United States.

Binanatan kasi ni Maharlika si Quiñones na kasabwat­ ni First Lady Lisa Araneta Marcos sa “pambubudol” sa pama­halaan. Sabi ni Maharlika, si Quiñones ang kinontrata upang gawin ang mga damit ng mga opisyal ng gobyerno at nag­pa­patong sila ng dambuhalang tubo.

Halimbawa, hahango ng mga damit sa Divisoria sa hala­gang P2,000, lalagyan ng etiketa ni Quiñones at ipapasa sa presyong P100,000 na pamahalaan ang nagbabayad. Dahil dito’y naapektuhan nang malubha ang kabuhayan ni Quiñones kaya nagdemanda ng cyber libel.

Hindi criminal offense sa U.S. ang libel  kundi isa lamang civil case. Kaya walang magiging Criminal liability si Mahar­lika kundi maaari lamang patawan ng moral damages at ang hinihingi nga ni Quiñones ay halagang $2 milyon. Ngu­nit ang halagang iyan ay parang katumbas na rin ng life sentence maliban na lang siguro kung may financier si Maharlika na sasagot sa kanya.

Hay, pulitika! Bakit nga ba ang kakampi mo at kaibigan ngayon ay nagiging mortal na kaaway sa isang iglap? Sabi nga ng lumang kasabihan “politics makes strange bedfellows.”

vuukle comment

MAHARLIKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with