^

PSN Opinyon

Mga benepisyo sa pagkain ng monggo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Maraming benepisyo ang monggo sa puso, utak at ka­tawan. Hindi totoo ang kasabihan na bawal ito sa arthritis. Puwede itong kainin dahil masustansyang gulay ito.

1. Masustansya ang monggo sa lumalaking bata at sa matatanda din dahil sa kumpleto sa bitamina at mineral.

2. Bagay sa may diabetes at maganda sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa monggo ay laban sa bad cholesterol.

3. Ang high fiber nito ay may cholecystokinin, para mabilis mabusog, mas konti ang makakain, kaya mas makakapagbawas ng timbang. Bagay din sa nagtitibi at may IBS o Irritable Bowel Syndrome na maganda sa tiyan­ at pagtunaw.

4. Puwedeng kainin ng maysakit sa atay dahil pinagkukunan ng protina, albumin at globulin, isoleucin, leucine, valine.

5. Puwede rin sa may sakit sa kidney kasi ang protina nito ay galing sa gulay at hindi sa karne.

6. Merong folate o folic acid ay dapat kakainin ng nanay na buntis para sa nervous system ng sanggol.

7. Maraming taglay na iron na nagdadala ng oxygen sa buong katawan at sa utak para focus at maganda ang memorya kaya bagay sa matanda, bata na nag-aral at anemic.

8. Kumain ng monggo sapagkat pampalakas ng immunity at may kakayahang makaligtas sa pagkakasakit.

MONGGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with