^

PSN Opinyon

Paano malalampasan ang stress

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Lahat nang tao ay may problema at nakadaranas ng stress. Narito ang mga paraan para malampasan ang mga ito:

1. Gamitin ang stress hormones para lumakas – May taong mas gumagaling kapag may hamon sa buhay. Mas nakaka-concentrate, mas nagkakaroon ng lakas, mas nakaka-trabaho at nakakaaral. Ang stress ay naglalabas ng isang hormone, ang epinephrine na kung paminsan-minsan lang ay nakatutulong sa konsentrasyon at lakas.

2. Gawing positibo ang negatibong pangyayari. Ibahin­ mo pananaw mo. Baka good stress ‘yan at hindi bad stress. Ang mga atleta ay mayroong stress at tumataas ang lakas­ nila. May mga estudyante na kapag may deadline ay mas gumagaling sa eksamen. Wala sa kontrol natin ang stress. Ngunit magagawa mong harapin ito.

3. Gamitin ang stress para maging ligtas. Halimbawa: naglalakad ka mag-isa sa gabi o naglalakad sa matarik na lugar. May tulong ang stress dahil mas alerto ka, mas malakas at handang lumaban. Ang mata at pandinig mo ay mas matalas din.

4. Huwag papatalo sa stress. Maging positibo kahit anong hamon sa buhay. Huwag din matakot sa stress. Bawasan ito. Pero tuloy pa rin ang trabaho at buhay mo. Mara­ming mga bagay na pwede mo magawa para kontrolin ang sitwasyon. Kumuha ng malalim na paghinga, ikot-ikutin ang ulo para lumuwag ang pakiramdam sa bahagi ng leeg at balikat. Basain ang mukha sa pamamagitan ng malamig na tubig. Patulong ka sa pamilya at kaibigan mo. Mag-ehersisyo ng regular.

5. Tumulong sa kapwa para mabawasan ang stress. Magandang sikreto iyan sa buhay. Kapag abala ka sa pag­tulong, makakalimutan mo ang stress mo.

6. May biyaya sa dulo. Ang sarap ng pakiramdam kapag nakalampas ka sa problema. Kapag nag-graduate ka, na­katapos ng trabaho at nalutas ang isang mahirap na bagay.

STRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with