^

PSN Opinyon

Tips para maging masayahin ang mga bata

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Nagiging masayahin ang mga bata dahil ang kanyang­ mga magulang ay masayahin din. Nakikita niyang ma­saya ang mga magulang at ito ang kanyang namamana.

Narito ang aking payo sa mga magulang para lalong maging masayahin ang mga bata:

1. Maging balanse sa bata. Maaaring maging magiliw sa mga anak ngunit kinakailangan pa rin na mag-set ng mga patakaran. Ito ay para hindi mawala ang respeto ng mga anak sa magulang.

2. Maging laging nandiyan o may presensiya para sa kanila.

3. Suportahan at pasiglahin sila.

4. Tulungan sila na maintindihan ang kanilang damdamin kung sila ay may stress tulad ng hindi makatulog, pananakit ng ulo, upset na stomach, pabagu-bago ng mood at iritable.

5. Pakinggan ang anak kung sila ay nagsasalita at tanungin sila gaya ng “Ano sa tingin mo?” “Ano sa palagay mo?”.

6. Huwag silang masyadong protektahan.

7. Kinakailangang matutunan ng mga bata na ma-ma­nage nang maayos ang kanilang stress.

8. Palakasin ang kanilang kumpiyansa sa sarili.

9. Gabayan sila.

10. Turuan sila.

vuukle comment

BATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with