^

PSN Opinyon

Napatunayang atin ang Bajo de Masinloc

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Saludo ang Pilipinas sa Atin Ito. Lumayag ang peace and solidarity regatta sa Panatag (Bajo de Masinloc) Shoal nu’ng May 15-17. Pinatunayan sa mundo na atin ang bahura na ilegal na inaangkin ng Beijing. Binisto rin sa mundo ang pambu-bully ng China Peoples Liberation Army-Navy sa mga sibilyan.

Paninira at pananakot ang tinangka ng Beijing. Nagdispatya ito ng limang barkong pandigma ng PLAN, anim na higanteng gunboats ng China Coast Guard (CCG), at 26 steel trawlers ng Chinese maritime militia. Nag-broad­cast pa sa kontroladong Chinese media na kesyo nag-uud­yok ng gulo ang Pilipinas.

Apat na bangkang sibilyan lang ang Atin Ito regatta­. Sakay ay mga Pilipino at dayuhang mamamahayag, dalawang mayor ng Zambales, at isa ng Aklan, at mga bolun­taryo. Sinamahan sila ng tatlong Philippine Coast Guard patrols. Isandaang maliliit na bangka ang naghatid sa ka­nila hanggang 50 milya mula Subic, Zambales.

Akbayan photo nu’ng paalis ang regatta mula Subic, Zambales.

 

Sa simula binuntutan ng CCG gunboats ang regatta. Niradyohan ang PCG patrols para paalisin. Lumapit ang gun­boats 100 metro lang sa regatta. Nu’ng gumabi tinangka ng CCG na hawiin ang hanay.

Hindi nagpatinag ang regatta. Nagbaba sa mga takdang lugar ng mga boya na may tatak na “Atin ang West Philip­pine Sea”. Hinarang sila ng CCG bago makalapit sa Panatag.

Ganu’n pa man, nakapamigay ang regatta ng 1,000 litrong diesel at 200 food packs sa 144 mangingisdang Pilipino sa gilid ng Panatag. Naisahan ng “diskarteng Pinoy” ang mga bully.

Isang araw bago ang main voyage tumulak na ang isang bangka patungo sa bahura. Nakapamudmod ito ng pagkain at krudo bago mapansin ng PLAN destroyer no. 175.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

PANATAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with