^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Mag-face mask para iwas COVID

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Mag-face mask para iwas COVID

TUMATAAS ang positivity rate ng COVID-19. Ayon sa Department of Health (DOH), noong Biyernes ay may naitalang 557 na bagong kaso at 235 dito ay mula sa Metro Manila. Ang kabuuang kaso sa buong bansa ay 5,569. Ayon sa DOH,. posibleng kumalat sa probinsiya ang infections.

Sa patuloy na pagdami ng kaso, ipinayo ng DOH at mga eksperto na magsuot ng face mask, maghugas ng kamay at huwag magkumpul-kumpol. Proteksiyon din ang face mask sa iba pang communicable disease infections gaya ng trangkaso, lagnat, ubo at sipon.

Ilang linggo na ang nakararaan, ipinayo ng mga eksperto na mag-face mask dahil sa napabalitang pagtaas ng respiratory infections sa China. Ayon sa report, marami ang naoospital sa China na kinabibilangan ng mga bata. Ang pagdami ng kaso ay dahil umano sa pagluluwag ng COVID restrictions doon. Maraming pa­syente umano ang mga nasa ospital hangggang ngayon. Mas dumami pa sapagkat sobrang lamig sa nasabing bansa.

Nilinaw naman ni Dr. Rontgene Solante, infectious disease expert, na hindi naman dapat mag-panic ang publiko dahil wala pa namang linaw kung may panibago na namang pandemya na idudulot ang naturang pagdami ng naiimpeksiyon sa China. Gayunman, mahigpit umanong minomonitor ang nasabing sakit.

Ang pagdami ng kaso ng sinasabing respiratory di­sease sa China ay hindi dapat balewalain. Posibleng kumalat na naman ito sa buong mundo kung hindi mag-iingat. Noong 2020, binalewala ang pagkalat ng misteryosong sakit na kalaunan ay tinawag na COVID-19. Sa isang iglap kumalat ito sa mundo na tumagal nang mahigit dalawang taon. Hindi napigilan at maraming nagkasakit at namatay. Naging relaks ang DOH noon at saka lamang naghigpit nang nakapasok na ang virus mula sa Wuhan, China.

Banta pa rin ang COVID kaya hindi pa rin dapat ma­ging kampante ang mamamayan. Bagama’t hindi ito kasingdami ng mga kaso sa mga nakaraan, hindi dapat balewalain ang paalala ng DOH na mag-ingat pa rin ang lahat para makaiwas sa nasabing sakit.

Ngayong marami ang umuwi sa probinsiya para magdiwang ng Pasko at Bagong Taon, makabubuting­ sundin ang paalala ng DOH na ang pagsusuot ng face mask at maghugas ng kamay. Hindi maiiwasan ang pagsasama-sama dahil nakaugalian ang family re­union sa okasyong ito. Marami ang ngayon lang nagkita makaraan ang mahigit dalawang taon na pananalasa ng COVID. Pinakamainam din naman na para maka­iwas sa sakit ay magpabakuna na libreng ibinibigay sa mga health centers.

vuukle comment

COVID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with