^

PSN Opinyon

‘Untouchable’ na pergalan nina Elvira at Daisy sa Rizal!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MAY kakaibang gimik si Tanay, Rizal police chief Lt. Col. Francisco Panisan para protektahan ang sugal lupa sa kanyang sakop. Suwabe ang gimik ni Panisan na dapat pamarisan ng iba pang chief of police, hindi lang sa Rizal kundi maging sa ibang bahagi ng Pinas. ‘Yan ay upang tuluy-tuloy lang ang pasok ng pitsa sa bulsa nila.

Alam n’yo naman mga kosa na nagbukasan ang mga pergalan sa iba’t ibang bahagi ng Pinas, maliban lang sa Metro Manila kung saan mahigpit na pinaiiral ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez ang “no-take-policy” niya vs. pasugalan.

Kaya ang resulta, gutom, hindi lang ang mga mahihirap sa Metro Manila kundi maging ang kapulisan dahil nawalan sila ng delihensiya.

Kung malungkot ang mga opisyales ng PNP sa NCRPO, si Panisan naman ay masaya dahil sa kakaibang gimik niya. Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan!

Sa mga COP d’yan, ganito ang sistema ni Panisan. Dahil sa dinudumog ng mga adik sa sugal ang pergalan ni alyas Elvira na matatagpuan sa Bgy. Plaza Aldea, inulan ito ng denunsiyo sa social media.

Mabilis pa sa alas-kuwatro namang kumilos si Panisan at idinahilan niya na itong negosyo ni Elvira ay may permit galing sa opisina ni Mayor Lito A. Tanjuatco. Abaaaaa magandang dahilan na ‘yan ha, di ba mga kosa?

Kasi nga, tama naman si Panisan. Kaya lang hindi sakop ng permit ni Mayor Tanjuatco ang 10 lamesa na color games at drop ball ni Elvira. Mismooooo! Dahil maiipit si Panisan, abayyyyy nag-isip ito ng gimik na sa tingin n’ya ay malilinlang n’ya ang mga amo n’ya, tulad ni Rizal provincial director Col. Felipe Maraggun. Hehehe! Pasado naman ang gimik ni Panisan kay Maraggun eh, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Eto na ang masaya mga kosa kong COP. Pinasara naman ni Panisan ang pergalan ni Elvira. Kinunan niya ito ng litrato na sarado at pinadala kay Mayor Tanjuatco at Col. Maraggun. Kaya lang, sa kasunod na gabi, abayyyyy biglang nagbukas na muli ang pergalan ni Elvira. Araguyyyyy!

Kaya sa ngayon, paldo na naman ang bulsa ni Panisan dahil epektib ang gimik niya. Tiyak masaya ang Christmas party ng mga tauhan ni Panisan, di ba mga kosa? Puwede talagang kopyahin ng ibang COP ng PNP ang pamamaraan ni Panisan para maiwas sila sa indulto. Tumpak!

Kay PRO4-A director Brig. Gen. Kenneth Lucas kaya papasa ang gimik ni Panisan? Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Para sa kaalaman ni Col. Maraggun, may 10 lamesa namang drop ball at color games sa pergalan naman ni alyas Daisy na matatagpuan sa Bgy. San Juan, Taytay naman. Mahigit isang buwan na nag-ooperate ang pergalan ni Daisy at mukhang hindi naman ginagamit ni Lt. Col. Gayflor Pagala ang gimik ni Panisan.

Baka pagkatapos ng denunsiyo, puwede ring subukan ni Pagala ang sistema ni Panisan, di ba mga kosa? Mismooooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Teka nga apala! Dapat sigurong hambalusin ni Lucas si alyas Wood na umano’y maintainer ng pergalan sa Tanay at Taytay.  “Untouchable” ba ang pergalan nina Elvira at Daisy sa Rizal? Dipugaaaaa! Ano sa tingin mo Gen. Lucas Sir?

Abangan!

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with