^

PSN Opinyon

Raid sa Parksuites condo sa Parañaque, huli ng CCTV!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAHULI ng CCTV footage ang paglabas-masok ng District Special Operations Unit ng Southern Police District (SPD) sa ni-raid nilang SoleMare Parksuites condominium sa Parañaque City kung saan 11 Chinese nationals at isang Pinoy ang kanilang inaresto. Sinira ng raiders ang CCTV sa Room 1811 subalit hindi sila nakaligtas sa camera ng condo kung saan nakita silang may bitbit na mga bag at iba pang ebidensiya. Milyones ang nawawalang pitsa. Luma­lalim ang kasong ito dahil maging ang Palasyo ay intere­sado na. Panay imbita ni Pres. Bongbong Marcos sa foreign investors na mamuhunan sa Pinas at hindi makakatulong ang insidente sa Parksuites condo sa hangarin niya, di ba mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko na ginawa ang raid bandang 12:30 ng umaga noong Setyembre 16. Subalit sa press release ng PIO ni NCRPO chief Brig. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez nangyari ito bandang 5:30 a.m. Armado naman ng body worn cameras ang DSOU raiders subalit na turn-on ito bandang 1:30 a.m. Tapos na ang kamada ….este ang raid pala. Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi sa PR ni Nartatez na ang DSOU raiders ay armado ng search warrant na inisyu ni Judge Jaime Guray ng Parañaque City RTC sa kasong paglabag ng Anti-Trafficking in Persons Act at Comprehensive Laws on Firearms and Ammunition Act. Kasama sa inaresto si Lin Shengile, alyas Boss Lin o Lin Wei, 32. Sinabi pa sa PR na may pitong kababaehan na na-rescue at maaring ang apat dito ay ang kliyente ni Atty. Iris Sylvia Bonifacio, na nagsampa ng Writ of Habeas Corpus para mapakawalan­ sila. Ang apat ay hindi naman sa Rm. 1811 inaresto kundi sa sarili nilang kuwarto o habang nakikiusyoso sa kaguluhan.

Ang nakumpiska ng DSOU raiders ay dalawang kalibre .45 pistols at magazine ng M16 at assorted na bala. Ang tanong! Bakit mag-aarmas ang mga Chinese eh umupa na nga ng bodyguard para pangalagaan ang seguridad nila? Ang bodyguard at driver ng mga Chinese ay naglaho na parang bula. Pati ang Chinese interpreter ay kumalas sa kaso. Sinabi ng mga kosa ko na binuksan ng raiders ang vault kung saan nakaimbak ang milyones na pondo ng mga Chinese na suki ng Okada. Sa PR ni Nartatez dineklara ng raiders na P4.6 milyon ang laman ng vault. Subalit may kumakalat na Marites na may nagsoli ng P31 milyon sa mga Chinese. Anong say mo SPD director Brig. Gen. Roderick Mariano Sir? Nakumpiska rin sa raid ang dalawang MacBook, black bag na naglalaman ng sex paraphernalia, 13 bracelets, 3 radio, isang charger, samu’t saring currencies at isang iPhone 14 Promax. Sino ang magiging sacrificial lamb sa kasong ito?

Abangan!

RAID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with