^

PSN Opinyon

Modern slavery sa Tubalubok Island

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KABABALIK lamang ng grupo ng BITAG mula sa Cebu. Isang linggo rin kaming nanatili roon matapos naming­ eksklusibong maidokumento ang pag-rescue sa 123 katao sa Pangutaran, Sulu. Ang mga biktima, bata at matatanda­ na matinding inabuso sa isla ng Tubalubok. Sapilitang pinagtrabaho’t pinagamit ng droga, ginahasa, ginutom at ginawang parang mga alipin.

Ang rescue operation ay pinangunahan ng Philippine­ National Police-Women’s and Children’s Protection Center-Mindanao Field Unit (PNP-WCPC-MFU). Karamihan sa mga biktima, ni-recruit mula pa sa Bohol, Lapu-Lapu City, Ban­­tayan­ Island at Cebu City—malinaw na human trafficking.

Sinalubong ng BITAG ang mga awtoridad kasama ang mga nasagip na biktima sa Zamboanga. Mula Zamboanga­, ibiniyahe patungong Dipolog at doon nag-RO-RO patu­ngong Cebu City.

Sa pakikipag-usap ng BITAG sa mga biktima, habang­ nasa biyahe, ibinahagi nila ang kanilang kalunus-lunos na kalagayan habang nasa isla. Ilan sa kanila, binigyan ang pamilya sa mga probinsiya ng P10-50,000 bilang paunang bayad bago magtrabaho. Subalit pagdating sa isla, lalo silang nalubog sa utang dahil sa kanila umano ibinabawas ang bayad sa krudo, pagkain at iba pang panganga­ilangan.

Ang kanilang mga anak, hindi rin nakaligtas sa panana­mantala. Alas dos pa lamang daw ng madaling araw, gising­ na sila para magkaliskis ng mga isda. Labintatlong taon na nasa isla ang mga biktima. Hindi sila makatakas at makahingi ng tulong dahil sa mga nakabantay umano na may mga armas sa paligid ng isla. Dagdag nila, hindi na nila alam ang oras, petsa ng araw sa isla, halos mawalan sila ng pag-asa na makalaya pa sa impyernong kinalalagyan. Ang mga suspek kasama ang kanilang pinuno ay naka­takas, natimbrehan habang papunta sa isla ang mga awtoridad.

Abangan sa BITAG New Generation ang mga eksklusibong kaganapan ng rescue operation na ito.

BITAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with