^

PSN Opinyon

Stroke at stress

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAY dalawang klase ng stroke. Kadalasan, ang stroke ay dahil sa nagbara ang ugat sa utak ng tao (Medical term: Ischemic Stroke). Ngunit may pagkakataon naman na ang stroke ay nagmula sa pagdugo ng utak dahil may ugat na pumutok (Medical term: Hemorrhagic Stroke).

Parehong seryoso itong sakit at kailangang dalhin agad sa ospital ang pasyente. Ang posibleng senyales ng stroke ay ang panghihina ng isang parte ng katawan, pagkabulol, pananakit ng ulo, at panlalabo ng mata.

Sa mga nakaraan kong kolum, nabanggit ko na dapat makontrol ang blood pressure, blood sugar at cholesterol level ng pasyente para makaiwas sa stroke. Ang sigarilyo at alak ay dapat ding itigil.

Narito ang ilang paraan para makaiwas sa stroke:

1. Umiwas sa matatabang pagkain tulad ng karneng baboy at baka. Bawasan din ang pagkain ng mantikilya, cakes at sitsirya.

2. Kumain ng dalawang tasa ng gulay at dalawang  tasa ng prutas araw-araw.

3. Mag-relax at magsaya. Dalhin nang magaan ang iyong trabaho o problema.

4. Huwag palaging nagagalit. Baka tumaas ang iyong blood pressure. Matutong makisama sa ibang tao.

5. Matulog ng pito hanggang walong oras. Magpahinga ng sapat para mapalakas ang katawan.

6. Huwag magbiyahe nang tuluy-tuloy. Nakapapagod din ang pag-bi-biyahe kapag maraming lugar kayong pu­pun­tahan. Planuhin itong maigi at bigyan ng sapat na araw para magpahinga.

7. Bawasan ang pag-inom ng kape. Hindi pa klaro kung mabuti o masama ang epekto ng kape sa katawan. Hanggang dalawang tasa lang ang inumin at baka magkaroon ka ng high blood pressure at palpitasyon.

8. Panatilihing malambot ang iyong dumi. Kumain ng prutas tulad ng papaya, pakwan, pears at mga gulay. Uminom din ng sapat na tubig.

9. Uminom ng aspirin kung kinakailangan. Itanong sa doktor kung makatutulong sa iyo ang aspirin 80 mg tablet.

10. Magkaroon ng healthy lifestyle. Mag-ehersisyo, huwag magpataba at kumain ng masustansiya.

* * *

Stress

Lahat ng tao ay may problema at stress. Gawin ang mga sumusunod para malampasan ang problema:

1. Gamitin ang stress hormones para lumakas – May taong mas gumagaling kapag may hamon sa buhay. Mas nakaka-concentrate, mas nagkakaroon ng lakas, mas nakaka-trabaho at nakaka-aral. Ang stress ay naglalabas ng isang hormone, ang epinephrine na kung paminsan-minsan lang ay nakatutulong sa konsentrasyon at lakas.

2. Gawing positibo ang negatibong pangyayari. Ibahin mo pananaw mo. Baka good stress yan at hindi bad stress. Ang mga atleta ay mayroong stress at tumataas ang lakas nila. May mga estudyante na kapag may deadline ay mas gumagaling sa eksamen. Walang sa kontrol natin ang stress. Ngunit magagawa mong harapin ito.

3. Gamitin ang stress para maging ligtas. Halimbawa: naglalakad ka mag-isa sa gabi o naglalakad sa matarik na lugar. May tulong ang stress dahil mas alerto ka, mas malakas at handang lumaban. Ang mata at pandinig mo ay mas matalas din.

4. Huwag papatalo sa stress. Maging positibo kahit anong hamon sa buhay. Huwag din matakot sa stress. Bawasan ito. Pero tuloy pa rin ang trabaho at buhay mo. Maraming bagay na puwede mo magawa para kontrolin ang sitwasyon. Kumuha ng malalim na paghinga, ikot-ikutin ang ulo para lumuwag ang pakiramdam sa bahagi ng leeg at balikat. Basain ang mukha sa pamamagitan ng malamig na tubig. Patulong ka sa pamilya at kaibigan mo. Mag-ehersisyo ng regular.

5. Tumulong sa kapwa para mabawasan ang iyong stress. Magandang sikreto iyan sa buhay. Kapag abala ka sa pagtulong, makakalimutan mo ang stress.

6. May biyaya sa dulo. Ang sarap ng pakiramdam kapag nakalampas ka sa problema. Kapag nag-graduate ka, nakatapos ng trabaho at nalutas ang isang mahirap na bagay. Good luck sa lahat.

vuukle comment

MEDICAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with