Vitamin sea sa Discovery Shores Boracay
Kahit gaano tayo kumayod at magtrabaho, hindi dapat kalimutan ang pagpapahinga at pag-re-recharge. Lagi natin dapat inaalagaan ang ating physical at mental health. Ito ang isa sa aking mga natutunan sa aming trabaho at sa aming napaka-hectic na schedule sa media – ang halaga ng pag-re-relax at paglalaan ng oras para magbonding kasama ang pamilya.
'Vitamin sea'
Pagdating sa family bonding at pagre-relax, paborito ng aming pamilya ang dumayo sa mga beach resort.
Ano nga ba ang meron sa dagat na nagbibigay ng kakaibang kapayapaan at ginhawa? Ayon sa mga pag aaral, nakabubuti ito sa pangkalahatang kalusugan at mental health. Isa sa clinical psychologists ang nagsabi na ang kulay asul ay maihahalintulad sa kalmado at payapang pakiramdam.
Napakapalad natin para manirahan sa isang bansang biniyayaan ng mayaman at magagandang beach resorts na talaga namang maipagmamalaki sa buong mundo. Sa katunayan, ang Pilipinas ay binansagang World’s Leading Dive Destination at World’s Leading Beach Destination sa taong 2022 noong 29th World Travel Awards.
Ang Discovery Shores Boracay ang itinuturing na isa sa mga pinakamaganda sa Boracay. First time naming pumunta rito at talaga namang nag-enjoy ang aming pamilya.
Unang-una, mayroon silang hassle-free airport service, kaya naman stress-free ang aming biyahe papunta at paalis sa resort. Pagkarating namin doon, sinalubong kami ng mababait at masayahing hotel staff, complimentary drinks, at masasarap na welcome treats sa aming kwarto.
Nanatili kami ng aking pamilya sa isang Junior Suite, isang 45-square-meter na kwarto na mayroong king-sized bed at extra daybed para sa aking mga anak. Kumpleto rin ang room amenities tulad ng smart television na may kasamang HD cable, high-speed internet, Bluetooth-capable soundbar, plush oversized towels, hypoallergenic pillows, hairdryer, at isang in-room safe. Ngunit, ang pinaka nagustuhan namin ay ang minibar na punung-puno ng iba’t ibang flavor ng tea at isang Nespresso machine.
Napakasarap din ng pagkain sa Discovery Shores! Dahil meron silang 24 hour-in-room dining service, pwede kang mamili sa anim na restaurants para sa iyong kakainin -- mula sa Filipino and Fusion cuisine ng Indigo at Sands Restaurant, hanggang sa nakatatakam na pagkain ng Forno Osteria.
Enjoy din kaming panoorin ang Boracay sunset sa kanilang Sand Bar na matatagpuan sa beachfront o lounge sa pool. Napahanga naman kami sa panoramic view ng dagat na pwedeng ma-experience sa 360 Roof Lounge, ang isa sa best spots ng resort.
Isa sa highlights ng Discovery Shores Boracay ay ang kanilang breathtaking pools. Mula sa grand swimming pool hanggang sa kanilang infinity pool, tunay ngang nakaka-relax ang view ng Boracay beach. At ang baybayin ng resort ay tunay na napakaganda – mapa-sunset o mapa-sunrise man!
Sa Discovery Shores Boracay ko nakita ang lahat ng aking hinahanap para makapag-recharge. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit sila hinirang na Philippines’ Leading Beach Resort ng 27th World Travel Awards.
Bonus ding lahat ng kailangan mo ay madali mo lang mapupuntahan mula sa hotel (tulad ng shops, dining establishments, at iba pang tourist attractions) sa tulong ng complimentary hotel transport service.
Walang tatalo sa family-bonding
Pero siyempre, ang susi kaya mas naging memorable ang bakasyon na ito ay ang aking pamilya! Kaya sa aking pagbabalik sa trabaho, dala-dala ko ang saya sa aking puso, at mas handa na akong yakapin ang dalang pagsubok ng buhay.
Kaya kung naghahanap ka rin ng isang luxurious escape at unforgettable experience, Discovery Shores Boracay ang dapat mong puntahan. Puwedeng mag-book sa kanilang website sa discovershoresboracay.com o bisitahin ang kanilang social media accounts on Facebook, Instagram, Twitter at TikTok.
--
Panoorin ang Pamilya Talk sa Facebook, YouTube at Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts: Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok, Twitter and Kumu. Iparating ang inyong mga tanong at suhestiyon, at sumulat sa [email protected].
- Latest