Mga sakuna hindi natin kapalaran
HINDI kagagawan ng tao ang bagyo, lindol, tsunami o sabog ng bulkan. Pero desisyon niya kung masasalanta o maliligtas sa sakuna.
Tinatamaan ang Pilipinas ng mahigit 20 typhoons bawat taon.
Kaya ang pangalan nila ay segun sa alpabeto. Nag-aabiso ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. Binabawalan ng coast guard lumayag ang sasakyang-dagat. Pero may nangangahas pa rin mangisda, kaya nalulunod.
Nagwawasak ng bahay o gusali, nagbabaha ng taniman, tumutumba ng tulay ang bagyo. Ligtas at matatag ang bubong ng bahay. Salanta ang lumabag sa National Building Code. Nu’ng bagyong Yolanda Nob. 2013, nakita na maninipis ang reinforcement bars ng mga poste ng gumuhong gusali sa Visayas.
Halos 200 lindol ang natatala araw-araw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Mahigit 10 ang fault lines sa Pilipinas. Nakamapa lahat ito sa Phivolcs website. Hindi dapat magtayo ng istruktura 15 metro mula sa fault line. Karamihang nasasalanta ng lindol ay manipis ang pader, labag sa Building Code.
Nagbababala ang Phivolcs kapag sasabog ang bulkang Taal, Mayon, Bulusan at Canlaon. Pero ayaw lumisan ng naninirahan sa paligid. Baka kasi nakawan ang kanilang bahay at pastulan ng hayop.
Nakamamatay ang sunog kung walang fire exits, extinguishers at drills. Nangyari ito sa casino, disco at hotel na lumabag sa Fire Code. Maninipis kaya sobrang umiinit ang electrical wiring ng maraming bahay. Nagsimula ng sunog ang mga pabayang welders sa mga pabrika.
Normal ang tsunami at daluyong tuwing lindol o bagyo sa 7,641 isla. Pero maraming squatters sa pampang ng dagat. Malapit sila sa hanapbuhay na pangingisda. Hinahayaan ng opisyales. Peligroso!
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest