Mga benepisyo sa pagkain ng saluyot
Ang saluyot ay isa sa pinakamasustansiyang gulay sa mundo.
Puwede ito sa may diabetes, sakit sa puso at mataas ang cholesterol.
Siksik ito sa bitamina at minerals tulad ng Vitamin A, C, E, K, Riboflavin o vitamin B2, Niacin o B3, Panthotenic acid o B5, Pyridoxine o B6, Folate o B9, calcium, iron, copper, potassium at iba pa.
Narito ang kahalagahan ng mga bitaminang makukuha sa saluyot para sa katawan:
1. Ang vitamin K ay bitaminang nakatutulong upang labanan ang pagdurugo.
2. Ang vitamin A at beta-carotene ay para sa mata, balat o skin growth, pagre-repair o pagsasaayos ng selula sa ating katawan tulad ng pag-galing ng sugat.
3. Ang vitamin B6 o Pyridoxine ay para makaiwas sa sakit sa mata dahil sa pag-edad tulad ng age related macular degeneration.
4. Ang vitamin C o ascorbic acid ay napakalaking tulong para sa ating immune system at balat, at upang makaiwas sa ubo at sipon at hindi mauwi sa pulmonya o impeksyon sa baga.
5. Ang calcium ay kailangan para mapatibay ang buto, ngipin at gilagid.
6. Ang vitamin E ay para lumakas ang immunity, magkaroon ng malusog na buhok at mata.
7. Ang iron ay kailangan para sa malusog na red blood cells.
Iluto ang saluyot bilang sahog sa dinengdeng, inabraw, paksiw, ginisang labong, sopas at bulanglang.
- Latest