^

PSN Opinyon

Malunggay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Alam ba ninyo na napakasustansiya ng malunggay?

Marami itong calcium at iron. Ang calcium ay nagpapatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Kung ikaw naman ay anemic o kulang sa dugo, sagana ang malunggay sa iron na nagpaparami ng dugo.

Mataas din ito sa protina, potassium, vitamin A at vita­min C. Ang mga ito ay tinatawag na anti-oxidants na lumalaban sa stress at nagpapabagal sa pagtanda ng katawan.

Dahil sa bitaminang taglay, ang malunggay ang pina­kakain ngayon sa mga malnourished na bata. Puwede sa mga feeding program ng gobyerno at volunteer groups. Dapat sanayin ang bata na kumain nito.

Benepisyo sa pagkain ng malunggay:

1. Pampalakas ng katawan – Kumain ng 1 tasang dahon ng malunggay araw-araw para mapunuan ang bitaminang kailangan ng katawan.

2. Pamparami ng gatas ng ina – Kapag kulang ang gatas ng ina, kumain ng 1 tasang dahon araw-araw. Puwede ring pakuluan ang dahon at gawing tsaa at inumin.

3. Para sa constipated – Kapag ika’y tinitibi, kumain din ng 1-2 tasang dahon sa gabi. Makatutulong sa pag-normal ng iyong pagdurumi.

4. Itapal sa sugat – Kapag may sugat, ilagay ang dinurog na dahon ng malunggay sa sugat. Hugasan muna ang dahon at durugin. Lagyan ng konting tubig at initin. Pagkatapos ay itapal sa sugat.

MALUNGGAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with