^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Unahing bitayin ang taga-BoC

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Unahing bitayin ang taga-BoC

Noong nakaraang taon, P30 bilyon ang nawala sa kaban ng bansa dahil sa talamak na smuggling ng agricultural products. Ngayong taon, sinasabing mas malaki pa ang nawala sa pamahalaan dahil sa walang tigil na smuggling. Wala nang natatakot na smugglers at balewala na sa kanila ang Anti-Agri­cultural Smuggling Act. Pinagtatawanan lang ng smugglers ang batas na ito na nilikha noong 2016. Inutil ang batas sapagkat hanggang ngayon, wala ni isa mang smugglers na napaparusahan. Sabi ng Bureau of Customs (BoC) mayroon na raw silang kina­suhan na smugglers pero hindi naman nila maihayag ang pangalan ng mga ito. Noong nakaraang taon, sinabi ng BoC na 30 smugglers daw ang kanilang sinampahan ng kaso. Bakit hanggang ngayon ay wala pang naitatapon sa kulungan?

Sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So noong Lunes sa hearing ng Senado na pinamumunuan ni Sen. Cynthia­ Villar, nawalan ang pamahalaan ng P30 bilyon dahil sa smuggling ng agri products. Sabi ni So, sa smuggled na bigas ay P10 bilyon ang nawala sa pamahalaan. Sa karneng baboy at manok, P6-7 bilyon ang nawala at sa sibuyas ay P3-4 bilyon. Sa iba pa raw commodities ay malaki rin ang nawala dahil sa talamak na smuggling.

Sa nangyayaring smuggling ng agri products, buong tapang na sinabi ni So na may kasabwat ang smugglers sa Bureau of Customs. “Sa tingin natin ay may kasabwat sa Bureau of Customs dahil hindi naman makakalabas ito nang walang kasama,” sabi ni So.

Depensa naman ng spokesperson ng BoC, kung meron daw kasabwat sa kanila, nagsisimula raw iyan sa mga puerto dahil doon pinoproseso ang shipments. Sinabi rin ng BoC na apat na tao na sangkot sa smuggling ng agricultural commodities ang kasa­lukuyang naka-detained. Ipinagmalaki rin ng BoC na nakakumpiska sila ng P2.7 bilyong halaga ng agricultural products sa mga port. Kabilang daw sa mga nakumpiska ang asukal, sibuyas, carrots, seafood, beef, pork at mga prutas.

Noon pa man, marami nang BoC officials at mga tauhan ang sangkot sa katiwalian kaya malaki ang posibilidad na kaya patuloy ang smuggling ay dahil sa nangyayaring katiwalian sa BoC. Tama si So sa pagsasabing hindi makakalabas ng BoC ang mga smuggled commodities kung walang padrino. Kung ganun, unahing parusahan ng kamatayan ang mga taga-BoC at saka isunod ang smugglers ng agri products. Harinawang matuloy ang isinusulong na death penalty ni Sen. Robin Padilla.

vuukle comment

SINAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with