Matagumpay at makulay na pagdiriwang
IDINEKLARA ng pamahalaang lungsod ang Banawe Chinatown bilang tourism district noong 2015 sa bisa ng Ordinance No. SP 2453 dahil sa kakayahan nitong makapag-engganyo ng negosyo at turista.
Bilang Chinatown ng Quezon City, nagsisilbi rin itong sentro ng pagdiriwang tuwing sinasalubong ng mga kapatid nating Filipino-Chinese ang Chinese New Year.
Sa nakalipas na dalawang taon, walang nangyaring face-to-face na pagsalubong sa Chinese New Year dahil sa pandemya. Ngayong taon, ibinalik natin ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa Banawe Chinatown na ginawa noong Linggo.
Lubos ang ating kagalakan sa mainit na pagtanggap ng QCitizens sa pagbabalik ng makulay at masayang pagdiriwang na ito bilang pagsalubong sa Year of the Water Rabbit.
Dinagsa ang mga inihandang event ng iba’t ibang tanggapan ng QC government kasama ang ilang Filipino-Chinese organizations gaya ng QC Association of Filipino-Chinese Businessmen, Inc. at QC Chinatown Development Foundation Inc.
Nagkaroon ng Chinatown float parade, dragon at lion dance performance, food festival, bazaar, at fireworks display na nagdagdag ng kulay sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Kaya naman todo ang ating pasasalamat sa mga tumulong para maging matagumpay ang event na ito.
Kabilang na rito sina QC Association of Filipino-Chinese Businessmen, Inc. President Joaquin Co, QC Chinatown Development Foundation Inc. Chairman Charles Chen, at Federation Of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. Vice President David Chua.
Maraming salamat din kina Vice Mayor Gian Sotto, City Administrator Mike Alimurung, Minister, Counselor and Deputy Chief of Mission mula sa Embassy of the People’s Republic of China Hon. Zhou Zhiyong, Cong. Arjo Atayde at Cong. Marvin Rillo sa inyong buong suporta.
Kasama rin nating nakiisa sa selebrasyon si Majority Floor Leader Coun. Doray Delarmente at mga konsehal na sina Bernard Herrera, Charm Ferrer, Dave Valmocina, Nanette Daza, Egay Yap, Joseph Juico, TJ Calalay, Rannie Ludovica, Joseph Visaya, Doc G. Lumbad, at mga opisyal at department heads ng QC government sa pangunguna ni Tourism Department OIC Tetta Tirona.
Patuloy na aasahan ng ating Filipino-Chinese community ang buong suporta ng pamahalaang lungsod sa lalo pang pagpapaunlad ng Banawe Chinatown, hindi lang sa komersiyo kundi pati na rin sa kanilang kultura.
- Latest