^

PSN Opinyon

Get ready sa mga nagbabalik at bagong programa ngayong 2023!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Ang daming programang dapat abangan ng Makatizens mula sa pamahalaang lungsod ngayong 2023. Sit back and relax lang kayong lahat dahil kami ang bahala sa mga programa at benepisyong ikatutuwa ninyo.

Sa aking ikapitong State of the City Address (SOCA) sa Rotary Club of Makati sa Rockwell Club noong January 10, naglapag ako ng mga plano at programa na nakatakdang ipahatid sa Proud Makatizens ngayong taon.

Mayroong mga programang magbabalik matapos ang halos tatlong taong pagkawala dahil sa pandemya. Kabilang dito ang  free movies para sa mga senior na talaga namang nagpasaya sa mga nakatatanda dahil unlimited ang dami ng palabas na puwede nilang mapanood.

Magbibigay din ng free snacks at drinks ang Makati sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan upang mabawasan ang financial burden ng mga magulang.

Bukod dito, bubuksan sa susunod na buwan ang 24/7 primary and urgent care facility ng Makati Life Medical Center sa District 1 at inaasahang makatutulong na ma-decongest ang Ospital ng Makati (OsMak) sa District 2.

Sisimulan na rin natin ang paghahanda ng plano para sa proyektong Makati Smart Bus System ng City Government of Makati at Korea International Cooperation Agency (KOICA).

Plano rin ng lungsod na maglagay ng solar panels sa mga pampublikong paaralan at opisina ng gobyerno upang makatulong sa pagbawas ng energy consumption at greenhouse gas emission.

Para naman mas padaliin ang pagbabayad ng business at real property tax, gagamitin natin ang GCash para sa mas mabilis, kumportable, at ligtas na pagbabayad.

Ang sabi ko nga sa mga taga-Rotary, patikim pa lang ito. Marami pa tayong ganap at pasabog para gawing lalong mas magaan ang pang-araw araw na pamumuhay ng ating mga Makatizen residents, maging mga ­empleyado at negosyante rito sa Makati.

Umapila na rin ako sa business community para sa kanilang pagtulong upang mabawasan ang carbon footprint ng Makati. Malaking tulong na ang paggamit ng eco-friendly materials at pag-i-improve ng resource efficiency.

Kapag ito ay sinabayan ng responsible waste management at disposal, pagbaba ng noise at air pollution, at pagbawas ng paggamit ng plastics sa lungsod, tiyak na malaki ang magiging epekto sa pagpapatupad ng ating climate action efforts.

Noong 2022, bukod sa napakaraming award at rekognisyon na ating natanggap, ay proud akong naisulong natin ang mga social service projects na sinimulan natin noong mga nakaraang taon.

Ito lang ang masasabi ko, Proud Makatizens: magiging maganda at mabunga ang taong ito para sa ating lahat. Salamat sa inyong walang sawang tiwala at suporta sa amin sa pamahalaang lungsod.

SOCA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with