^

PSN Opinyon

Doc Willie bagay maging DOH sec.

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Kung ako ang tatanungin, karapat-dapat maging Health Secretary si Dr. Willie Ong. Kaso, wala pang isang taon simula nang kumandidato siya sa pagka-vice president kaya bawal pa na mahirang siya sa anumang puwesto sa pamahalaan.

Marami na raw inalok si Presidente Bongbong Marcos na mga doktor sa position ng Health Secretary pero sila ay tumanggi­. Marahil, traumatized sila sa nangyari kay dating­ Health Secretary Francisco Duque na nasawsaw sa maraming kaso ng katiwalian lalo na noong kasagsagan ng pandemic.

Natatakot siguro ang mga doktor na inalok sa puwesto na madungisan ang integridad. Totoo naman na ang pag-okupa sa anumang cabinet position ay magbibingit sa appointee na marungisan ang integridad. Kahit hindi ka corrupt, puwede kang gawan ng kaso ng mga nag-iinteres sa iyong puwesto.

Kung katapatan at integridad ang pag-uusapan, taglay­ ni Dr. Willie ang lahat ng katangiang iyan. Dati nang may­kaya sa buhay si Doc Willie  at sapol pa nang makilala ko siya nang mag-apply siyang kolumnista sa Pilipino Star NGAYON, siya at ang kanyang magandang kabiyak na si Doc. Liza ay magkatuwang nang nagsasagawa ng free medical service sa mga mahihirap na lugar gamit­ ang personal resources.

Sana, kung wala pang permanenteng DOH Secretary­ at puwede nang i-appoint si Doc. Willie, huwag sana niya itong tanggihan. Iyan naman ay kung hihirangin siya ni Presidente Marcos.

Siyempre naririyan ang panganib na may mga mani­nira sa kanya pero dahil sa magandang reputasyon na napa­tunayan na niya sa taumbayan ay hindi na paniniwalaan ang anumang paninira.

vuukle comment

DR. WILLIE ONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with