^

PSN Opinyon

E-sabong ni Atong Ang, sinusukat ang pasensiya ni BBM!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SINUSUKAT talaga ang pasensiya ni President Bongbong Marcos nitong e-sabong ng gambling lord na si Charlie­ “Atong” Ang? Matatandaan na kahit nagpapasok ng bil­yones sa kaban ng gobyerno itong e-sabong ni Ang, ipinasara sila ni BBM dahil sa kaso ng 34 missing sabungeros. Ang lahat halos kasi ng missing sabungeros ay dinukot ng armadong kalalakihan sa sabungan ni Ang, di ba mga kosa?

Subalit hindi naman namamahinga si Ang na palusutan itong kautusan ni BBM, dahil nitong Sabado, nag-dry run ang e-sabong n’ya sa mga sabungan sa buong Pinas. Kaya marami ang natutuwang adik sa sabong at may nalungkot din, lalo na ang mga kamag-anak ng missing sabungeros. Bumigay na kaya si BBM sa matatamis na pangako ni Ang?’

Nakakuha ng kakampi si Ang sa katauhan ni Atty. Ermar­ Benitez, ang OIC ng Games and Amusement Board (GAB). Eh di wow! Hindi pa pormal na nagsimula ang e-sabong ni Ang dahil wala pa itong permit mula sa opisina ni Pagcor chairman Al Tengco. Hehehe! Malakihan ang lakad na ito ni Ang! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!

Sa kanyang 2 pahinang sulat kay Atty. Angelo Niño Santos­, ang president ng Lucky 8 Star Quest Inc., pinayagan ni Benetiz ang “live/in person cockfights, as well as livesreamed/broadcasted content” ng kompanya. Si Ang ang may-ari ng kompanya ni Santos. Sinabi ni kosang Jun na ang tayaan dito ay sa BIR registered machines kung saan matic na ibabawas ang taxes sa tumamang taya at i-remit ng operator sa BIR sa regular basis. Puwede ring tumaya sa Off-Cock Betting Stations (OCBS) sa labas ng mga sabungan.

Ang sistema ng GAB ay hindi kagaya ng online at e-sabong sa ilalim ng Pagcor kung saan kahit sinong adik sa sabong ay tataya gamit ang gadgets, tulad ng celfone at walang paraan para malaman kung magkano ang taya sa kada sultada. Siyempre, iginiit ni kosang Jun na online ang labanan dahil sa may live-streaming. Aniya, dapat ipag­bawal ang pagtaya gamit ang celfone o similar devices at ang tayaan ay sa OCBS lang. Hak hak hak! Happy days are here again para kay Ang. Dipugaaaaa! 

Papasa kaya kay BBM itong bagong gimik ni Ang at kakutsaba n’ya tulad nina Ogie na ang may hawak ng Bulacan samantalang si Cholo naman ang sa Bicol? 

Ang tanong ng mga sabong afficionados’, anong ahensiya ng gobyerno ba dapat ang mag-regulate ng online sabong- ang GAB ba o ang Pagcor? Eh di wow! Hehehe! Wait natin mga kosa ang aksiyon ni BBM dito sa bagong pakulo ni Ang.

Teka nga pala! Kumusta na kaya ang imbestigasyon ni CIDG director Maj. Gen. Ronald Lee sa kaso ng missing sabungeros? Ewan ko no? Abangan!

vuukle comment

ATONG ANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with