^

PSN Opinyon

Police vlogger, kakasuhan ng rape with homicide!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“BINABOY nila ako. Tinurukan nila ako.” Ito ang huling isinumbong ng cockpit teller na si Emielle Hernandez habang nag­­didiliryo matapos akusahan ng rape si police vlogger SMS Timothy Joseph “Teejay” Virtucio at kasamang si alyas Alex.

Inilahad ito ni Hernandez sa kanyang asawa at tatay, na umaruga sa kanya sa kanilang bahay ng magkasakit na siya at hindi na halos maigalaw ang katawan, ayon kay Col. Jack Malinao, director ng Batangas police.

Ayon kay Malinao, inulit ito ni Hernandez sa harap ng isang psychiatrist kung saan ikinunsulta ng pamilya ang karamdaman niya. Itong mga huling salita ni Hernandez ang magiging importanteng dokumento para ikasa ng Ba­tangas police ang kasong rape with homicide sa Department of Justice, ani Malinao. Eh di wow! Hustisya ang isi­nisigaw ng pamilya ni Hernandez. Mismooo!

Si Hernandez ay namatay sa University of Santo Tomas­ Hospital kung saan siya isinugod ng mga kaanak. Na-cre­mate na ang bangkay niya at dinala na sa kanilang bahay sa Batangas.

Ayon kay Malinao, bukas pa makukuha ang mga dokumento, lalo na ang cause of death ni Hernandez, dahil may mga bayarin pang naiwan sa ospital.

“Ang balita namin may auto-immune system disease ang biktima. Pinasok ng bacteria ang katawan na umak­yat sa utak. Naapektuhan pati ang nervous system niya,” ayon kay Malinao sabay pakiusap na hintayin ang findings ng doctor sa UST para maliwanagan talaga kung ano ang iki­namatay ni Hernandez.

Ipinaliwanag pa ni Malinao na namaga ang gilid ng utak ni Hernandez, na naging sanhi ng sakit na meningitis kaya’t nagdeliryo siya. Araguyyy! Ang sakit sa bangs nito!

Si Hernandez ay teller ng Mr. Nice Guy cockpit area sa Batangas na pinatatakbo ni Virtucio, samantalang si Alex ang pit manager, ani Malinao. Nagkaroon ng party ang tropa noong December 25 dahil maganda ang kita ng sabungan.

Kaya lang dun nangyari ang pambababoy kay Hernan­dez na ikinasira at tumapos sa kanyang buhay. Dipugaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kasama ang asawa at abogado, nagsadya sa San Jose police station noong Enero 9 si Hernandez upang ireklamo ng rape sina Alex at Virtucio, ang police vlogger na nagpabantog ng salitang, “Sayang ang Tattoo”.

Ayon sa voluntary statement ng asawa, dinala niya sa iba’t ibang ospital si Marielle sa Lemery mula noong December 26 dahil masama ang pakiramdam nito.

Subalit nang makausap ng psychiatrist sa Mary Mediarix ospital sa Lipa City doon niya ibinulgar na ginalaw siya ni Virtucio. Aniya, pinainom siya ng sex drugs bago halayin sa “kennel farm” ng suspect sa Bgy. Banay-Banay, Lipa City.

Nang rebisahin ng asawa ang messenger’s account ni Emielle, nabungaran niya ang malisyosong text messages at hubad na litrato ni Teejay. Sanamagan! Ano ba ‘yan? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi naman ni PRO4-A director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas na naisampa na ang kasong administratibo na immorality laban kay Virtucio, na patuloy pang naka-custody sa Calabarzon police.

Ayon kay Lucas, kakausapin pa nila ang abogado ng pamilya, matapos matanggap ang mga dokumento mula sa UST, bago isalpak ang criminal case vs Virtucio at Alex. Kinokontak naman ni Dipuga si Virtucio para dinggin ang kanyang panig subalit hindi sumasagot sa phone. Abangan!

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with