^

PSN Opinyon

Inhinyero na Hardinero...MAKALYA ALCERI's HYDROPONICS GARDEN

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Ngayon araw na ito ay isa na namang matagumpay na hardinero ang aking ibabahagi sa inyo na kapupulutan ninyo ng aral, inspirasyon at motivation sa pagtatanim ng halaman.

Ang aking tinutukoy ay si Engr. Jan Ericko Alcantara ng Purok Gumamela II, San Miguel na Munti, Talavera, Nueva Ecija.

Nagsimulang magtanim ng lettuce si Engr. Ericko sa mga bote ng softdrinks at mineral water bilang kanyang libangan at personal na consumption ng gulay ng kanyang pamilya.

Pero sa tuwing nagha-harvest siya ay marami sa kanilang barangay at kaibigan ang bumibili ng kanyang mga inani.

Kaya naisipan ni Eng. Ericko na gawing negosyo ang dating palipas oras o libangan niyang pagtatanim.

Nagsimula sa P2,000 puhunan si Engr. Ericko na kanyang pinambili ng tuna styrobox na kanyang tinaniman, seeds ng lettuce at liquid solution. 

Ngayon ay kumikita na si Engr. Ericko  ng nasa 30,000  to 35,000 a month.

Ayon kay Ericko sa tuwing pumapasok siya sa kanyang trabaho bilang engineer sa isang hospital ay nagdadala siya ng lettuce.

“Pati po ang director namin at mga doktor ay bumibili ng aming ani at nagkaroon na rin sila ng interest sa pagtatanim at nagpapaturo na rin sila sa pagtatanim sa akin,” ani Engr. Ericko.

Mabilis na napalago ni Engr. Ericko ang kanyang munting negosyo dahil ang misis at nanay na isang guro na katuwang niya sa pagma-market ng kanilang mga aning lettuce na iba’t iba ang variety.

“Online selling ang misis ko habang si nanay ay maraming pa-order sa mga kapwa guro,” sabi pa ni Engr. Ericko.

Mula sa dating “Do It Yourself o DIY” na taniman ay dalawa na.nga-yon ang green house ni Engr. Ericko at araw-araw ay may mabibili ang kanilang mga suki.

Bukod sa mga lettuce, mayroon ding tanim na saging na matampuhin variety at green leafy vegetables si Engr. Ericko sa kanilang garden.

Malawak din ang taniman ng sitaw, okra, sigarilyas, bataw at patani sa Makalya Alceris Garden.

“Fresh lettuce always available @ Makalya Alceri’s. Hydroponically Garden,” pahayag pa ni Engr. Ericko.

Payo ni Engr. Ericko sa mga gustong matutong magtanim o magtayo rin ng negosyo sa garden o farm  ay planuhing mabuti ang gagawin at mag-aral kahit sa “Youtube University.

Aniya, mahalaga ang dedikasyon sa pag-aalaga ng mga tanim at palagiang i-apply ang Tender Love and Care (TLC) sa mga tanim.

Maraming benepisyo ang nakukuha ni Engr. Ericko sa pagtatanim tulad ng pagkakaroon ng sariwang at malusog na pagkain, pagpapabuti ng kalusugan at kapaligiran, at ang pagkakaroon ng kita sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga ani niyang masarap at masustansiyang lettuce.

Sa mga residente ng Talavera, Nueva Ecija na nagnanais bumilii at gustong matuto ng pagtatanim tulad ng ginagawa ni Engr. Ericko,  i-text lamang po ninyo siya sa 09064841751. Magpakilala po muna kayo at sabihin ang sadya ninyo.

Ngayon Linggo, March 30, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Engr. Ericko sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag pong tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with