^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi malutas na pagbaha sa MM

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi malutas na pagbaha sa MM

Matagal nang problema ang pagbaha sa Metro Manila. Dekada ‘70 pa ay naririnig na ang pagbaha lalo na sa Maynila. Lubog sa baha ang Sampaloc area kabilang ang España Blvd., Governor Forbes, Blumentritt at Maceda Sts. Baha rin sa Taft at Quirino Avenues at sa bahagi ng Intramuros at Rizal Avenue. Kapag bumaha sa mga lugar na nabanggit, hindi na makakaraan ang mga maliliit na sasakyan. Mapipilitang maglakad sa baha ang mga tao.

Baha rin sa Mother Ignacia, Roxas District, Quezon­ at Araneta Avenues, sa Quezon City. Hindi madaanan ang Araneta Avenue dahil sa malakas na agos na nagmumula sa umapaw na creek.

Marami ring kalye ang bumabaha sa Makati at Pasay Cities. Hindi madaanan ang Buendia Avenue, Pasay Road at Pasong Tamo Extension. Ang Harrisson at Libertad St. sa Pasay City ay umaapaw din sa baha kahit sandali lang ang pag-ulan.

Maraming lugar sa Metro Manila ang binabaha at sa ganitong sitwasyon, ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pinuputakti ng batikos. Nasaan na ang flood control project na pinondohan nang malaki?

Ayon sa Commission on Audit (COA) may 22 pro­jects ang MMDA na hindi pa natatapos at may 39 pang hindi kumpleto at nagtapos na ang kontrata noong 2021. Ayon pa sa COA, ang DPWH at MMDA ay may naka-allocate na mahigit P125 billion para sa flood control ngayong taon.

Sabi naman ng MMDA, ang sinasabi ng COA na naatrasadong flood control projects ay nakumpleto­ na umano ngayong taon. Ang iba pang sinasabing hindi natapos ay dahil sa delayed procurement pro­cess dahil sa COVID-19 pandemic at mga napending na pag-iisyu ng clearances.

Sabi naman ng DPWH, nakumpleto na umano nila ang flood control project sa Sampaloc, Manila. Naka­paglatag na umano ng concrete box culverts sa Josefina-Lepanto and Lepanto-Gov. Forbes Drainage Mains kaya mabilis nang humuhupa ang baha sa Sampaloc area.

Ang problemang pagbaha sa MM ay malaking pagsubok sa kakayahan ni MMDA chairman Engr. Carlo Dimayuga III. Ang MMDA ang nangangasiwa sa flood control projects at harinawang malutas na niya ang ilang dekada nang problema. Kasama na rin niyang lutasin ang problema sa basura na nagiging dahilan din ng pagbaha.

ARANETA AVENUES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with