^

PSN Opinyon

Barangay elections — napapanahon? 

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

WALA pa noong 10 taon mula nang matapos ang World War II. Nakatuon man ang atensiyon ng pamahalaan sa pambansang pag-ahon sa epekto ng giyera, hindi tinantanan ang pag-alalay sa kanayunan. Alam ng ating mambabatas na sa pag-unlad ng barrio nakasalalay ang kabuuang pagsulong ng bansa.  

Kritikal na bahagi ng anumang programa ang sabayan ito ng demokratikong prinsipyo. Paniwala ang pamahalaan sa mando ng mga Amerikano—ang kanilang mo­delo ng gobyerno ay tularan. Kung kaya naipanukala, sa pangunguna nina Senador Tomas Cabili, na gawin nang “by election” ang pagpili ng opisyales ng barrio. Ang kapangyarihan na ipinagkatiwala sa sarili nating kinatawan ay mas magaang dalhin. 

Noong una ay nagpasa ng batas ang Kongreso na tuluyan na ngang ihalal ang konseho ng barrio. Subalit ang naging patakaran ay tanging mga “ama ng pamilya” ang maaring makilahok sa pagpili ng kapitan at konsehal. Sa malaon ay natauhan din ang ating mga mambabatas at, sa pamamagitan ng Barrio Charter Act ng 1959, ang rehistradong botante ng buong barrio ay puwede nang pumili at mapili.  

Mahigit 60 taon nang nakalipas mula maumpisahan ang pagkilala sa barrio (ngayon ay barangay) bilang pangunahin at pinakamahalagang unit ng pamamahala. Sila ang ating unang lalapitan sa panahon ng panga­ngailangan. Sa kamay din nila nakasalalay ang ating matiwasay na pamumuhay sa komunidad. Sa panahon ng pandemya, sadyang nasubukan ang kanilang pakinabang dahil nababad nang husto sa paghatid ng ayuda at pagsiguro sa ating kalusugan at kaligtasan.  

Ang huling barangay election ay tinanghal noong 2018. Matapos ang nauna nang postponement, heto at usap usapan muli ang panukalang i-postpone itong muli. Umaatikabong debate ang umuusbong ngayon sa buong bansa sa kung muli pa nating ipagpapaliban ang pagpili ng ating mga pinuno sa komunidad (ano man ang dahilan) o kung pangangatawanan ang mga prinsipyong nakasaad sa Saligang Batas kagaya ng equal opportunity for public service o ang pagkakaroon ng regular na halalan na haligi ng demokrasya.  

Pag-isipan natin kung saan tayo gagawi sa pambansang isyu na ito.  

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with