^

PSN Opinyon

Mga diktador nagkokopyahan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Pare-pareho ang taktika ng mga diktador. Milyun-milyon ang pinatay nina Adolf Hitler ng Germany, Josef Stalin ng Soviet Union at Mao Zedong ng China. Kinatakutan sila sa kalupitan.

Gumaya sina Pol Pot ng Cambodia, Mobutu Sese Seko ng Congo, at Idi Amin ng Uganda. Pinaglakad ni Pol Pot nang daang-milya ang dalawang milyong taga-Phnom Penh, tungong prison camps sa kanayunan, tapos pina-torture at pinapatay. Pinabitay ni Sese Seko ang sariling Cabinet ministers. Kalahating milyong Ugandans ang binaril sa publiko ni Amin.

Nagtulungan at nagturuan ng estilo sina Hitler, Benito Mussolini ng Italy, at Francisco Franco ng Spain. Bago mag-World War II, gusto ni Hitler subukan ang galing ng Luftwaffe (Air Force). Kaya pinabomba ni Franco sa mga eroplano ni Hitler ang mga rebeldeng Basque sa Guernica, sa kabundukan ng Spain. Pinabagsak at binihag si Mussolini ng kapwa-Italians. Itinatakas siya ng German commandos at ibinalik sa trono.

Bukod sa kalupitan, nagpakalat ang amga diktador ng tsismis na may supernatural powers sila. Kesyo lahi sila ng mga diyos-diyosan at masuwerte sa misteryosong numero o kulay. Nagpanggap si Mussolini na kaya niyang magpa-bagyo. Kinopya siya ni Kim Jong-Il ng North Korea. May alamat na nakakapunta si Kim nang sabay sa magkalayong pook.

May mga diktador na mas gumagamit ng kabulaanan, imbes torture at pagpatay. “Kinanyon ng Ukraine ang ­sariling mga siyudad para magmukhang kinawawa ng Russia sa mata ng mundo,” imbento ni Vladimir Putin. Nazi raw ang Hudyong Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy. Kunwari maalaga sa tao sina Saddam Hussein ng Iraq, Muammar Gaddafi ng Libya at Recep Tayyip Erdogan ng Turkey, kaya paulit-ulit binoto ng mahigit 91%. Para kagiliwan, malimit magpatawa sa publiko sina Alberto Fujimori ng Peru at Jair Bolsonaro ng Brazil.

Bawat Chinese minamanmanan ng mga espiya ni Xi Jinping sa street cameras at online. Kontrolado ang eskuwela, tirahan at pagbiyahe ninoman. Pinapapaniwala sila na kanila ang karagatan ng Pilipinas.

JOSEF STALIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with