^

PSN Opinyon

Malalayong isla maari kuryentehan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Triple kalimitan ang presyo ng kuryente sa malalayong isla kaysa mainland. Mahal kasi gumamit ng diesel gene­rator. Hindi naman maikabit sa grid ang isla dahil sa layo. Sobrang laki ng espasyong kailangan para sa solar panels­. At itinutumba ng bagyo ang windmills.

Pero may paraan para mapamura ang kuryente sa mga kalat-kalat na isla. At ‘yun ay nasa mismong paligid nila: ang mga atoll. Inulat ng Economist ang saliksik ni Dr. Matt Lewis ng Bangor University, England.

Ang atoll ay binubuo ng mga paikot na bato at bahura. Ehemplo ang North at South Atolls ng Tubbataha Reefs, Palawan. Dahil sa patuloy na tilapon ng alon sa ibabaw ng mga ‘yon, mas mataas nang konti ang lebel ng tubig sa loob ng atoll kaysa paligid na dagat. Bumubulwak palabas ang tubig sa mga puwang o channels sa pagitan ng bato at bahura. Muling napupuno ng tubig-alon ang atoll at tuluy-tuloy ang paglabas sa channels, sa walang katapusang ikot ng kalikasan.

Parang dam ang mga bato at bahura, at reservoir ang tubig sa loob ng lagoon, ani Lewis. Kulang na lang ang gene­rating turbines, para na itong hydroelectric power station­. Tumambal siya kay Ryan Lowe, isang Australian oceano­grapher na nagkalkula ng puwersa ng buga ng tubig ng atolls sa channels. Sinuri nila ang kilos ng alon at agos sa West Pacific Ocean sa iba’t ibang panahon at buwan. Sa kalkulasyon nila, kayang paandarin ng buga ang turbine generators nang 75% ng taon. Mas mahusay ‘yon kaysa windmills na umaandar 40% lang ng panahon.

Gagamit lang ng turbina na bubuga ng tig-10 kilowatts. Sa bawat lima nu’n or 50 kilowatts, magkaka-kuryente na ang bahayan ng 250 tao. Mas maraming channels, mas maraming turbina, mas maraming kuryenteng malilikha. Kumakausap na si Lewis ng mga kompanyang magkakapital ng kanyang mini-hydro plants.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

TRIPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with