^

PSN Opinyon

Happy 352nd founding anniversary, #ProudMakatizen!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Sa Miyerkules, Hunyo 1, ay ipagdiriwang ng Lungsod ng Makati ang aming ika-352 founding anniversary.

Makabuluhan ang araw na ito para sa lahat ng Proud Makatizens. Eksaktong 352 taon na ang nakalipas mula nang mabuo ang isang payak na komunidad na ngayon ay progresibo at asensadong lungsod na tinitingala at tinutu­laran ng ibang mga siyudad sa bansa.

Ito rin ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal at Mahal na Birhen para sa patuloy na paggabay sa ating­ lahat sa nakaraang taon. Napakarami mang pagsubok at hamon ang dumating sa ating lungsod, sama-sama natin­ itong hinarap nang buong tapang at tiwala sa ating kaka­yahan at paghahanda.

Sa Hunyo 1, gaganapin ang isang simpleng selebrasyon bilang paggunita sa ika-352 Araw ng Makati.

Sisimulan ito sa isang banal na misa sa ganap na 5:30 ng hapon. Mayroon din tayong kaunting kasiyahang inihanda para sa mga empleyado at residente ng Makati­. May pa-raffle at program din na pangungunahan ng isang invocation o panalangin mula sa mga kinatawan ng Makati City Hall employees, miyembro ng LGBTQ+ community, senior citizens, estudyante, at iba pang komunidad.

Sa araw ding ito gaganapin ang oath taking o panunumpa ng mga bagong halal na lider ng Makati. Si Justice­ Mac de Leon ang mag-o-officiate sa mga bagong konsehal at congressman ng District 1 at 2, kay Vice Mayor Monique Lagdameo, at maging sa inyong lingkod.

Tuwing “birthday” ng Makati, binibigyan din natin ng parangal ang mga empleydong naging huwaran para sa ibang lingkod-bayan. Sila rin ay ‘yung mga nagsilbi na sa ating lungsod ng mahabang panahon.

Siyempre pa, hindi mawawala ang mga mang-aawit at entertainers na magbibigay sigla at kulay sa ating gabi ng pagsasama-sama. Inimbitahan po namin sina Top Su­zara­, si Ms. Gigi de Llana, at ang paborito ng lahat na Aegis. Mayroon din tayong fireworks display sa pagtatapos ng ating programa.

Bukas po ang selebrasyon para sa lahat, pero huwag sana nating kalimutang mag-ingat at sumunod pa rin sa minimum public health requirements.

Alam ko pong na-miss ninyo ang ganitong mga kasiyahan at pagtitipon-tipon, kaya naman sinikap namin na gumawa kahit simpleng programa at hindi palampasin ang pagkakataong ito na magkasama-sama tayo.

Napakalayo na po ng ating narating sa loob ng halos 400 years. At dahil ito na ang aking huling termino bilang Mayor, ipinangangako ko na ang mga magagandang proyekto at programa ng lungsod ay hindi magtatapos sa akin.

Sinisikap po ng aking administrasyon na iwanan kayo ng innovations at improvements na mapapakinabangan ng mga susunod na henerasyon ng Makatizens. Ang bagong OsMak o Makati Life Medical Center, ay isang world-class at pandemic-proof na ospital na mag-aangat sa antas ng healthcare services sa lungsod.

Ang Makati Subway ay isang breakthrough infrastructure project na makakabawas ng congestion at trapiko sa Makati at magpapapababa ng ating carbon emissions, para sa mas malinis na hangin sa mga susunod na dekada.

Marami pang makabagong programa ang aming ilulunsad sa mga darating na buwan. Sa loob ng tatlong taon ay lalo pa naming sisipagan at palalakasin ang magaganda na nating programa dito sa Makati.

Alay po namin sa inyo ang lahat ng success at kaginhawahang ating tinatamasa ngayon. Mabuhay po kayong lahat!

PROUD MAKATIZENS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with