^

PSN Opinyon

Walang illegal detention

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG maaalala, ilang buwan na ang nakararaan ay may napabalita sa mga pahayagan, radyo at telebisyon na konsehal ng Lopez, Quezon na umano’y nanghalay ng menor de edad. Idinemanda ang konsehal na ito at nakulong ng limang buwan pero lumaya dahil naabsuwelto ng korte. Ang kaso, rape, child abuse at serious illegal detention.

Ngayon, nagrereklamo ng illegal detention si Konsehal Arkie Manuel Ruiz Yulde na siya raw ang totoong biktima ng illegal detention. Idinamay pa ang isang kongresista ng Quezon at asawa nito na wala namang kina­laman sa kaso.

Tanong nga ng isang beteranong criminal lawyer, paanong magiging illegal detention kung tama sa proseso ang demanda? May nagsakdal, inisyuhan ng balidong warrant para maaresto at nakulong sa isang non-bai­lable­ na kaso? Following common sense, Kung legal ang lahat ng proseso, walang basehan ang kaso ng iniharap ni Yulde kahit sabihin pang siya ay absuwelto, Sabi ng abogado.

Kung si Hubert Webb nga na sangkot sa Visconde massacre ay hindi nakapagdemanda nang baliktarin ng Mataas na Hukuman ang desisyon kahit nakulong ito nang maraming taon, dapat siguro magpasalamat pa si Yulde dahil naabsuwelto siya.

Pagdidiin  ni Atty. Merito Lovensky Fernandez “walang­ illegal detention na nangyari” kay Yulde. Ito ay inihayag ng abogado sa isang radio interview. “This is more a political­ propaganda to smear the name of Rep. Helen Tan and her husband” dugtong ni Atty. Fernandez. Kung iyan man ay isang paninira lang laban sa congresswoman, matatawag iyan na isang “bulok-propaganda” na sa kasamaang palad ay laganap sa panahon ng eleksiyon.

ILLEGAL DETENTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with