^

PSN Opinyon

Double standard

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON kay presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson, ang malaking mali ng administrasyon ni President Duterte ay ang “double standard” pagdating sa mga kaalyado niya at kalaban sa pulitika. Kitang-kita iyan sa mga kontrobersiyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp. at PhilHealth. Nakita kung paano ipinagtanggol ni Duterte ang mga kaalyado’t kaibigan niya, at umabot pa sa utos na huwag dumalo sa pagdinig ng Senado ang mga miyembro ng kanyang Cabinet.

Ngayon, ipinagtatanggol naman niya si Energy Sec. Cusi sa naging negosasyon ng gobyerno sa pagbenta sa kompanyang pag-aari ni Dennis Uy sa Malampaya gas field. Kilalang malapit kay Duterte si Uy. May ­rekomendasyon na ang Senate Blue Ribbon Committee na sampahan sina DOH Sec. Duque at Cusi para sa mga nasabing anomalya, bukod sa iba pang tao tulad ng magkapatid na Dargani. Pero hindi magbibitiw sina Duque at Cusi dahil may tiwala pa raw ang presidente sa kanila. Tila malalakas ang loob na hindi sila magagalaw. Kapag mga kilalang oposisyon naman tulad nila Sen. Leila de Lima at dating senador Antonio Trillanes, mabilis ang pagkilos ng gobyerno para mapakulong o kasuhan sila.

Isama na rin si Pastor Apollo Quiboloy na spiritual adviser ni Duterte. Inilagay siya ng Federal Bureau of Investigation sa Most Wanted List dahil sa mabibigat na krimen: Conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, and sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy; bulk cash smuggling. Ilang malalapit na opisyal ni Quiboloy ang kasama rin sa mga akusado at hinahanap ng FBI.

Ipinahayag ni Duterte na galit siya sa human traffickers, partikular sa pagbenta ng mga bata. Kasama sa akusasyon kay Quiboloy ang “sex trafficking of children”. Ngayon lang ba naririnig ni Duterte ito, kahit alam na lahat kung gaano siya kalapit sa pastor? O matagal na niyang alam at wala lang pinababayaan na lang? Hinihintay lang ng DOJ ang pormal na hiling ng U.S. para sa extradition o pagkuha nila kay Quiboloy dahil akusado ng krimen doon. Hindi raw makakatanggap ng special treatment si Quiboloy dahil may kasunduan ang Pilipinas at U.S. hinggil sa extradition. Tingnan na lang natin kung ipagtatanggol din ni Duterte pagdating ng panahon pero sa ngayon, tikom ang Palasyo.

PULITIKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with