^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin kung may allergy

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Marami nang lumiham sa akin para humingi ng payo tungkol sa kanilang allergy. Laging inuubo, nangangati ang lalamunan, namumula ang mata at nahihirapang huminga. Malamang allergy iyan. Ang iba naman ay namamantal ang katawan, at bahin nang bahin. Allergy din iyan.

Alam ko kung bakit napakaraming Pinoy ang may allergy­. Maalikabok at marumi kasi ang paligid. Ang allergy ay nanggagaling sa mga dust mites, isang insekto na laganap sa ating bahay. Nakaka-allergy din ang alikabok, halaman, hayop, usok, pabango at ibang pagkain. Heto ang mga dapat gawin:

1. Maglinis, maglinis at maglinis – Labahan linggu-linggo ang bedsheet, unan at kumot. Ibilad din ang mga ito sa araw para mamatay ang mga mikrobyo at insekto.

2. Itapon ang mga carpet at rugs dahil napakabilis ito kapitan ng alikabok.

3. Tanggalin ang mga kalat sa bahay – Kung hindi naman kailangan, bawasan ang gamit sa bahay tulad ng bulaklak, halaman, libro, display, at iba pa. Ilagay ang mga lumang baro sa loob ng plastic at itago sa drawer.

4. Alisin ang mga hayop – Ang balahibo ng pusa at aso ay nakaka-allergy. Kung gusto ninyo talagang mag-alaga ng hayop, ihiwalay sila sa bahay.

5. Umiwas sa mga damo, halaman at puno – Lalo na kapag tag-init, diyan naglalabasan ang pollen ng mga bulaklak. Marami ang bahin nang bahin dahil dito.

6. Walang maninigarilyo – Bawal ang usok at sigarilyo sa bahay ganundin ang magsiga.

7. Alamin ang mga pagkaing nakaka-allergy – May taong allergic sa hipon, manok o itlog. Magpa-check up sa Allergologist para malaman kung saan may allergy.

8. Maligo araw-araw lalo na sa gabi.

9. Mag-ingat sa mga pabango, lotion at sabon. Suriin kung hypo-allergenic ang mga ito.

10. Magsuot ng face mask – Puwedeng bumili ng face mask para mabawasan ang nalalanghap na dumi.

11. Gumamit ng aircon kung may pera. Napakalaki ang tulong nito. Sumubok din ng Air Filter. Pumili ng isang kuwarto sa bahay na malinis talaga at manatili dito.

At kung malala na ang nararamdaman, uminom ng gamot na pang-allergy tulad ng Diphenhydramine tablet o syrup, o Loratadine 10 mg tablet once a day. Magpakunsulta sa isang allergologist na doktor.

ALLERGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with