May boto pa ba kaming makukuha sa Davao?
Hindi lang isa o dalawa kundi may ilan-ilan ding mga political officers at PR ng mga iba’t ibang partido ang tumatawag at nangungumusta lalo na at election season na naman.
Mga kaibigan ko silang lahat kaya nga nangungumusta uli. May iba naman sa kanila na patuloy ang komunikasyon namin kahit tapos na ang eleksyon.
May isang tumawag sa aking noong nakaraang linggo at laking tuwa ko dahil matagal-tagal din kaming hindi nag-uusap. Hayun at nagkumustahan kami ng mga buhay-buhay namin.
Hanggang inanyayahan ko siyang pumunta naman sa Davao City lalo na sa panahon ng kampanya upang magkikita-kita naman kami dahil hindi nga ako nakakapunta ng Maynila magdadalawang taon na dahil sa pandemya.
“Bakit? May makukuha pa ba kaming boto diyan sa inyo?” tanong ng kaibigan ko at nagtawa ako nang pagkalakas-lakas.
Tumawa ako dahil hindi lang siya ang may ganoong tanong o sagot sa akin tuwing inaanyayahan kong pumunta ng Davao.
Noong 2016 at 2019 elections, ganun ang mga sagot ng mga kaibigan kong political officers at PR ng mga partido.
Heto na naman sa 2022 elections – patuloy pa rin ang tanong nila – “May makukuha pa ba kaming boto riyan?”
Paano n’yo malalaman kung hindi kayo pupunta rito sa amin sa Davao City.
- Latest