^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Minsan pa: Utak pulbura

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Minsan pa: Utak pulbura

Naulit na naman ang nangyari noong isang taon. Lockdown din nang may mapatay dahil may luma­bag sa quarantine rules. Ngayon, muling namayani ang may utak pulbura. Paulit-ulit na lang ang mga madudugong insidente.

Abril 21, 2020, binaril at napatay ng isang pulis na nagmamando sa quarantine check point ang dating sundalo na si Winston Ragos. Nangyari ang krimen sa Maligaya Drive, Bgy. Pasong Putik, Quezon City. Ayon kay Master Sergeant Daniel Florendo Jr., may baril daw si Ragos sa sling bag nito kaya niya binaril. Napag-alamang may stress disorder si Ragos.

Ngayon ay naulit na naman ang ganitong pangya­yari. Noong Sabado ng gabi, isang palaboy na uma­no’y nanggugulo habang may curfew ang binaril ng isang barangay tanod sa Tayuman, St. Tondo, Manila. Ang biktima ay nakilalang si Eduardo Glenoga, 59, umano’y may problema sa pag-iisip. Isang tama ng bala sa katawan ang kanyang ikinamatay.

Naaresto na ang barangay tanod na si Cesar Pan­laqui, taga Bgy. 156, Tondo. Ayon sa suspek, binaril niya si Glenoga dahil nanggugulo ito sa Tayuman St. Pinapalo umano nito ang mga gate ng mga bahay. Sinaway daw niya pero hinabol siya nito kaya binaril niya. Nakunan ng CCTV ang pagbaril ng tanod sa palaboy. Nakuha sa biktima ang toy gun.

Ayon sa mga pulis, isang revolver na walang serial number ang ginamit ng tanod sa pamamaril. Nang tanu­ngin ito kung bakit may baril, pangdepensa lang daw sa sarili. Tatakutin lang daw sana niya ang curfew violator.

Nabahiran na naman ng dugo ang pagpapatupad ng curfew sa panahon ng enhanced community qua­­rantine (ECQ). Bakit kailangang barilin ang curfew vio­lator? Bakit pagpatay agad ang solusyon gayung ma­­aari namang pakiusapan? At bakit may baril ang tanod?

Sa ginawa ng tanod na si Panlaqui, hindi talaga uubrang bigyan ng baril ang mga tauhan ng barangay at mga civilian volunteers. Malaking problema ang kaha­harapin. Noong Hunyo, sinabi ni President Duterte na balak niyang armasan ang anti-crime volun­teers. Sabi ng Presidente, ipag-uutos daw niya sa PNP na bigyan ng baril ang mga kuwalipikadong sibilyan at nang makatulong sa pagpapatupad ng batas.

Nakakatakot ang kahihinatnan kapag itinuloy ng Presidente ang balak. At nangyari na nga nang barilin ng tanod ang curfew violator. Kapag may baril, lumalakas ang loob. Hindi talaga dapat bigyan ng baril ang civi­lian volunteer at mga tanod. Marami sa kanila ang may utak-pulbura.

MASTER SERGEANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with