^

PSN Opinyon

Raid sa jueteng ni Renel sa Caloocan, apat tiklo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NI-RAID ng mga tauhan ni Col. Samuel Mina, hepe ng Caloocan police, ang safehouse ng jueteng ni alyas Renel at nakahuli ng apat katao at nakumpiska ang ilang ebidensiya. Kumilos si Mina matapos iutos sa kanya ni Mayor Oca Malapitan na salakayin ang mga kuta ng jueteng ni Renel na ang mga management ay sina alyas Boyong at Tisay.

Nais kasi ni Malapitan na mapatigil na ang jueteng ni Renel sa pangambang magagamit ito ng kalaban niya sa pulitika sa darating na 2022 elections. Third-termer na kasi si Malapitan at ang nagbabalak na pumalit sa kanya ay ang anak niya na si Rep. Dale Along Malapitan.

Kapag nawalis na ang jueteng ni Renel, sinisiguro ng kampo ng mga Malapitan na lalakas ang tsansa nilang manalo laban sa mahigpit na katunggali na si Rep. Egay Erice. Dipugaaaaaa!

Kaya lang, marami ang nagtaas ng kilay dahil apat lang ang nahuli ni Mina at mukhang “hingi-huli” lang ito para ma-satisfy si Mayor Malapitan. Get’s n’yo mga kosa? Dapat bantayan ni Mayor Malapitan kung anong kaso ang isinampa laban sa apat katao dahil baka may kakutsaba ang kampo ni Renel sa piskalya at ma-release for further inves­tigation lang ang mga ito. Hak hak hak! Lumang estilo na ‘yang RFFI, ‘di ba mga kosa?

Kasi nga, kapag illegal gambling ang kasong isampa sa piskalya, aba tumataginting na P30,000 ang piyansa nito at masakit ito sa bulsa ni Renel, lalo na’t hindi naman umaangat ang ingreso niya kada araw. Dinadaya kasi ni Renel ang kanyang parukyano dahil 1-to-40 ang winning combination niya at wala na halos tumatama kaya nila­layuan na siya ng mga sugarol na ang gusto ay 1-37. Dipu­gaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa totoo lang, naiipit sa dalawang nag-uumpugang bato si Col. Mina dahil kailangan niyang makisama kina Mayor Malapitan at NCRPO chief Maj. Gen. Vicente Danao Jr. Si Malapitan kasi ay may say sa appointment ni Mina bilang Caloocan police chief samantalang ganundin si Danao.

Ngayon, sino sa tingin n’yo mga kosa ang susundin ni Mina patungkol sa jueteng ni Renel? Ano sa tingin mo Ma’m Tita, na tinaguriang bagwoman ng NCRPO? Dipugaaaaa!

Kumalat naman sa Caloocan at sa NPD headquarters, sa NCRPO, maging sa Camp Crame na late na kung magbigay ng lingguhang intelihensiya si Renel. Pakulo lang kaya ito? Dipugaaaaaa! Abangan!

vuukle comment

JUETENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with