^

PSN Opinyon

Mga botante ni Malapitan, dinadaya ng jueteng ni Renel!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NUKNUKAN din ng gulang ang mga sugarol sa Caloocan City at hindi nila tinatangkilik ang pa-jueteng ni alyas Renel dahil abot nilang dinadaya lang sila nito. Bakit kamo? Kasi nga, ang jueteng ni Renel ay hanggang 40 ang numero kaya masyadong mahirap tamaan.

Nasanay kasi ang mga sugarol sa Caloocan ng lumang jueteng kung saan ang tinatayaang numero ay 1-37. Kaya for short, tinawag ito ng mga gambling afficionado at kapulisan na 137. Kung ang jueteng ni Renel ay 1-40 ang ibig sabihin nagdagdag sila ng numerong 38, 39 at 40. Sa tatlong numerong idinagdag ni Renel, aba halos nadagdagan ng 400 kumbinasyon ang winning numbers kaya mahirap itong tamaan kumpara sa 137. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya mahigit dalawang linggo ng nag-ooperate ang jueteng ni Renel sa siyudad ni Mayor Oca Malapitan, eh may narinig na ba kayong tumama sa palaro niya mga kosa? Dipugaaaaa!

Ang balita sa ngayon, umiiwas sa jueteng ni Renel ang mga sugarol sa Caloocan dahil ginigisa lang sila sa sarili nilang mantika. Kung sa mga probinsiya, na wala ng ibang paglilibangan ang mga sugarol, tinitiis na lang na tumaya sa palaro ng tropa ni Renel. Eh sa Caloocan puwede silang tumaya sa Ez2, lotteng, karera at iba pa at kahit kay Renel pa ang mga ito, basta ang maliwanag parehas ang laban nila, at ‘di tulad sa jueteng niya. Kaya sinabi ng mga kosa ko na bumababa ang kubransa ng mga kubrador na sina Boyong at Tisay. Subalit bakit tahimik lang si NCRPO chief Maj. Gen. Vicente Danao sa jueteng ni Renel? May kasagutan ka ba Ma’m Tita? Dipugaaaaa!

Sa sitwasyon sa ngayon sa Caloocan, hindi naman si Renel ang nababahala dahil kumpleto-rekado ang lingguhang intelihensiya n’ya sa mga kapulisan. Kaya lang, ang nalulungkot ay ang financier ni Renel na hinatak niyang magpalaro sa siyudad ni Malapitan. Sinabi ng mga kosa ko na milyones ang na-advance ni Renel sa financier niya para makapagbukas at kahit ipasara pa ito ng kapulisan ay nakuha na niya ang pitsa ng amo niya. Kailan kaya pipitikin ni Danao ang jueteng ni Renel? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan. Dipugaaaaa!

Hanggang ngayon, puro boka lang ang ebidensiya ni Renel na legal ang palaro niya. Magpakita lang siya ng dokumento galing sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) o kahit anong ahensiya ng gobyerno para paniwalaan siya na legal ang jueteng n’ya. Mismoooo! Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

JUETENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with