^

PSN Opinyon

Mga tamang pagkain para sa may diabetes

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang sakit na diabetes ay puwedeng magkaroon ng seryo­song kumplikasyon. Karamihan ng may diabetes ay kulang sa kaalaman kung anong pagkain ang puwedeng kainin at kung ano naman ang dapat iwasan.

Kung gusto ninyong makaiwas sa diabetes, narito ang listahan ng mga puwede ninyong kainin.

1. Carbohydrates – Ang carbohydrates tulad ng kanin, tinapay at spaghetti ay nagbibigay ng lakas sa atin. Ngunit pinapataas nito ang ating blood sugar. May mga carbohy­drates na mas mainam para sa may diabetes. Ito ay ang brown rice, wheat bread at spaghetti. Limitahan lang ang pagkain ng fried rice o sinangag, white bread at French fries.

2. Protina at karne – Piliin ang karneng hindi gaanong mataba. Tanggalin ang mga nakikitang taba sa baboy at baka bago ito lutuin. Mas piliin ang mga protinang galing sa gulay tulad ng tofu, tokwa at beans. Ang manok at turkey ay mas healthy kumpara sa baboy at baka.

3. Gulay at prutas – Karamihan ng gulay at prutas ay mataas sa fiber, bitamina at minerals. Sa bawat araw, kumain tayo ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas. Puwe­deng mas marami ang kainin ng mga lalaki at matatangkad na tao, at mas konti naman ang kainin ng mga babae at bata.

Sa mga may diabetes, bawasan ang pagkain ng kanin at palitan ito ng mas maraming gulay.

Sa paghahanda ng ensalada, mag-ingat din sa paggamit ng mayonnaise at Thousand Island sauce na naka­tataba. Suka na lang ang sawsawan.

Mas piliin ang mga pagkaing nakalista sa Titik A at bawasan ang pagkain ng mga nakalista sa Titik B.

A:

Brown rice

Wheat bread

Baked potato

Spaghetti

Nilaga o inihaw na karne

Sa karne, piliin ang tenderloin at sirloin

Tofu, tokwa, beans

Manok o turkey

Inihaw, steamed o sinigang na isda

Sari-saring gulay

Prutas tulad ng mansanas, peras at saging.

B:

White rice, sinangag at fried rice

White bread

French fries

Mami, miki

Pritong baboy at baka

Huwag piliin ang ribs at T-bone

Bacon, ham, hotdog, salami

Balat ng manok

Pritong isda

Gulay na nilagyan ng butter

Delatang prutas at matatamis na fruit juices

CARBOHYDRATES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with