DQR
Mabuti naman at pinakinggan ni Presidential daughter at Mayor Sara Duterte-Carpio ang daing ng mga residente ng Davao City ukol sa implementasyon ng Davao Quick Response (DQR) code na ang layunin ay matigil ang patuloy na pag-akyat ng COVIED-19 cases dito sa siyudad namin.
Malaking tulong ang DQR para sa contact-tracing sa mga panahong may mga positive cases. In short, mada-ling mahanap kung sinu-sino ang nakasalamuha ng isang positive COVID patient.
Dapat sana’y kahapon (Nobyembre 7) ang unang araw ng implementation ng DQR system ngunit may mga problemang lumabas ukol sa registration ng mga nais kumuha ng DQR.
Hayun at nagkaaberya nga at libu-libong residente and nagrereklamo sa social media, maging sa Facebook na hindi nga sila makakapasok sa site nito at ang dami ring tanong na kailangang masagot ng developer at admin bago simulan ang DQR system.
Nakinig naman si Inday Sara at sa Nobyembre 23 na ang simula ng implementation ng DQR na may sapat na panahon upang maayos ang kailangang ayusin sa system nito.
Aabangan na lang sa Nobyembre 23 kung kailan sisimulan ang pagpatupad ng DQR ngunit patuloy pa man din ang registration nito kahit pagkatapos ng nasabing petsa.
- Latest