^

PSN Opinyon

BOC Commissioner Guerrero, puro ngawa, walang gawa?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Mukhang lumiliit na ang mundo ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero. Matapos kasing sitahin ni President Digong dahil sa kapabayaan n’ya sa pagpasok ng droga sa bansa, heto’t pinagalitan din s’ya ng Commission on Audit (COA) dahil sa P20.763 billion shortfall n’ya last year.

Malaki ang tiwala ni President Digong dito kay Guerrero subalit kinakapos ang mga hakbangin n’ya para tugunan ang mga nakaatang na trabaho sa kanya, lalo na sa aspeto ng droga. At mukhang hindi naman sinunod ni Guerrero ang kautusan ni President Digong na balasahin n’ya ang mga opisyales ng BOC at ‘wag makinig sa sulsol ng mga sipsip na tauhan. Ang puna kasi ni kosang Louie Logarta, panay ngawa lang itong si Guerrero at walang gawa. Dipugaaaa!

Kung sabagay, halos dalawang linggo na ang kautusan ni Digong kay Guerrero na pumatay ng miyembro ng drug syndicate na nagpapasok ng droga sa bansa subalit bokya pa s’ya. Paano kasi puro PR ang inuuna n’ya, ani kosang Louie. Maliban sa palpak na kampanya vs droga, malaki din ang P20.763 collection shortfall, ayon sa COA kaya’t baka sumunod si Guerrero sa yapak nina dating Customs Commissioners Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña. Ano sa tingin mo kosang Louie? Dipugaaaa!

Ayon sa COA, kaya hindi na-meet ng BOC ang kanilang target tax collections sa kadahilanang poor monitoring of importer’s unpaid tariff obligations, slow disposition of overstaying cargoes at failure to auction perishable goods. Sinabi pa sa report na sa taon na 2019 ang BOC ay may tax collection na P640. 282 billion, halos 3 porsiyentong mababa sa target na P661.044 billion.

Inamin ng COA na ang collection shortfall ay makaapekto para isulong ang financing plans ng gobyerno. Idinagdag pa ng COA na may siyam na ports na lumagpas sa kanilang collection targets subalit may walong puwerto na mababa ang koleksiyon. Dipugaaaa!

Tiyak bababa pa lalo ang makolektang tax ng BOC sa ngayong panahon ng COVID-19 pandemic at hindi ito makakatulong para bumango ang imahe ni Guerrero. Ano sa tingin mo kosang Louie?

Abangan!

REY LEONARDO GUERRERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with