^

PSN Opinyon

Walang katapusan ang misyon (Huli sa 2 bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

BASE sa konseptong ito, puwedeng ilagay ng mga tao sa kanilang kamay ang kapangyarihan na lumikha ng batas matapos magparehistro ng isang petisyon na pirmado ng sampung porsyento (10%) ng mga rehistradong bo­tante kung saan ang bawat distrito ay kinakatawan ng tatlong porsyento (3%) ng mga rehistradong botante (Section 32, Article VI, 1987 Constitution).         

Ang batas (Republic Act No. 6735) o ang tinatawag na “Initiative and Referendum Law” ang magagamit natin. Sa tulong ng batas na ito, ang mga tao mismo ang maa­aring magpanukala ng batas na magbibigay sa ABS-CBN ng pani­bagong 25 taong prangkisa. Kaya kung 75% ng ating mga kababayan ang naniniwala na hindi tama ang naging aksyon ng kongreso, dapat nilang suportahan ang petisyon sa pamamagitan ng  people’s initiative at magpare­histro sa umiikot na kampanya para makakuha ng kinakailangang pirma ayon sa dikta ng batas (Constitution and RA 6735).

Sa totoo lang ay hindi pa nawawalan ng pag-asa ang may 11,000 empleyado ng network. May paraan pa para patuloy nilang masustentuhan ang kanilang pamilya at hindi sila tuluyang mawalan ng kabuhayan. Ako mismo ay natutuwa at nagkakaroon ng lakas ng loob na malaman na hindi pa huli ang lahat para sa ABS-CBN na patuloy sa misyon nito na maglingkod sa mga kababayan nating Pili­pino.

Ako rin ay nabigyan ng pagkakataon ng ABS-CBN para maglingkod sa tulong ng programang Kapag May Katwiran­, Ipaglaban Mo, na isang legal drama anthology­ na tuma­talakay sa mga naging desisyon ng Supreme Court sa mga napapanahong kaso at batas.

Bukod sa TV program na ito ay binigyan din ako ng pag­kakataon ng ABS-CBN na magbigay ng payo sa ating mga kababayang Pilipino isang beses kada linggo sa Tulong Center nito na nasa loob mismo ng compound ng network.  Ang mga pagkakataong ito ay importanteng paraan ng serbisyo publiko dahil hindi katwiran ang kawalan ng kaalaman para hindi tayo sumunod sa batas. Ayon nga sa wikang latin: “Ignorantia legis neminem excusam”.

MISYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with