Gusto mo kasing mapansin, ayan, bash ang iyong inabot!
Kadalasan, ang kaepalan ang maglalagay sa iyo sa alanganin. Kung ikaw ‘yung taong mahilig mamuna at mahilig mag-lecture kung kani-kanino, talagang masusupalpal ka. Lalo na kung ang pinasukan mong isyu ay mga personal na bagay at hindi naman usaping panglipunan, may kalalagyan ka.
Either you are just trying to make yourself relevant or you can’t control to express your negative emotion in social media – like jealousy.
Nambash ka, because you are branding yourself as moralist. Preaching what is right and what is wrong for somebody to listen to your moral standard, ikaw tuloy ang pinulutan ng netizens ngayon.
Andami mo kasing puwedeng punahin kung saan makakatulong ang opinyon mo sa lipunan. Pero dahil nakita mo lang ang post at hindi maganda ang naging dating sa’yo, pinuna mo rin sa pamamagitan ng pagpo-post sa social media.
Sa terminolohiya ng mga millennials, ang tawag diyan, #InggiteraSpotted at #WalangBasaganNgTrip. Kung ayaw mo ng post niya, eh di i-unfollow mo o i-block mo. Mabuti sana kasi kung galing sa nakaw ang pinambili ng tao sa kanyang ipinakita. Alam mo, alam ko at alam ng buong Pilipinas kung ano ang pinanggalingan nito.
Nagbubunyi tayong lahat tuwing mananalo sa laban, dangal ng bansa ang pinag-uusapan. This is an unsolicited advice, sana hindi ka na lang nag-post, sana pinadalhan mo na lang ng private message at saka ka nagpayo.
Ang problema, pinublic post mo eh mukhang naghahanap ka nga talaga ng gulo o gusto mong mapansin, gusto mo ng atensiyon. Ayan, katakut-takot na bash ang inabot mo.
Noong ako’y nasa kolehiyo, pinag-aralan namin sa unibersidad ang iba’t ibang klase ng emosyon. At ayon sa aming pinag-aralan kung tama pa ang aking memory, ang kulay ng jealousy ay dilaw.
- Latest