^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Itaguyod ang ‘Balik Probinsiya Program’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itaguyod ang ‘Balik Probinsiya Program’

Mas masarap ang buhay sa probinsiya kaysa lungsod na kagaya ng Metro Manila. Sa lungsod, lahat ay bibilhin, ultimo dahon ng sili at bunga ng papaya na sahog sa tinola. Sa probinsiya, puwedeng magtanim sa bakuran at presto, makakakain na ng sariwang gulay. Sa lungsod, hindi ubra ang pahingi-hingi. Kailangan mayroong hanapbuhay para makamtan ang inaasam. Sa probinsiya, sariwa ang hangin hindi katulad sa lungsod na batbat ng air pollution. Sa probinsiya, maluwag, walang trapik, walang pagsisiksikan.

Magandang mamuhay sa probinsiya kaya dapat nararapat na hikayatin ang mga namumuhay sa lungsod partikular na sa Metro Manila na magbalik-probinsiya. Iwanan ang lungsod at paunlarin ang buhay sa probinsiya.

Malapit nang ipagpatuloy ang ‘‘Balik Probinsiya, Balik Pag-asa Program’’ na pansamantalang ipina­tigil noong nakaraang linggo para unahin muna ang mga stranded sa Metro Manila na karamihan ay mga overseas workers na inabutan ng lockdown. Sa kasalukuyan, may 200 pang stranded na pansamantalang nakatuloy sa Villamor Elementary School sa Pasay City. Ngayong linggong ito, inaasahang makakauwi na ang mga stranded sa kani-kanilang mga probinsiya.

Kapag natapos na ang problema sa mga stran­ded, ipagpapatuloy na ang ‘‘Balik Probinsiya’’, ayon kay Balik Probinsiya Executive Director Jun Escalada. Ayon kay Escalada, marami na ang nag-enrol sa programa. Ibig sabihin, marami ang gustong magbalik-probinsiya. Maaaring nagsasawa na sila sa buhay sa Metro Manila at gusto namang mamuhay nang maayos sa probinsiya. Mas nakikita nilang doon may pag-asa.

Masyado nang masikip sa Metro Manila. Sob­rang dami ng tao. Halos lahat nang espasyo ay ino­kupa na. Sa dami ng squatters, pati mga sementeryo at ilalim ng tulay ay inokupa. Pati pampang ng estero at ilog ay tinayuan ng barung-barong na kapag bumaha kasamang tinatangay.

Ang makapal na populasyon sa Metro Manila ay napatunayan sa pamamahagi ng relief goods mula nang manalasa ang COVID-19. Masyadong mara­ming inayudahan ang gobyerno. Maraming hindi nakatanggap sa unang tranched.

Noong Mayo, nilagdaan ni President Duterte ang Executive Order No. 114 na nagtatatag sa “Balik Pro­­binsiya Program”. Hinihikayat ang mga nasa Metro Manila na magbalik probinsiya sapagkat doon mara­ming oportunidad. Dapat ituloy ang programa upang magkaroon ng magandang buhay sa probinsiya.

BALIK PROBINSYA PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with