^

PSN Opinyon

5 aklat sa kasaysayan at agham ng salot

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Hindi dapat Spanish flu ang tawag sa pandemic na rumagasa sa mundo nu’ng 1918-1920. Bagama’t influenza ang ikinamatay ni King Alfonso XIII, kaduda-duda na sa Spain nagmula ang sakit. At bagama’t milyon ang nalipol sa Spain, sa India ay 16 milyon. Limang-daang milyon ang naimpekta, isa sa bawat apat na tao sa mundo noon; 40 milyon ang namatay, mas marami kaysa naunang apat na taong World War 1. Sa aklat na “Pale Rider,” sinikap ni Laura Spinney ipaliwanag kung bakit mas kinapitan ng virus ang mga edad-20-30 kaysa matatanda.

Galing sa hayop ang ilan sa mga sakit na pumatay nang maraming tao. Zoonosis ang tawag sa paglundag ng mi-krobyo sa tao mula sa hayop. Chimpanzees ang sanhi ng HIV, baka ang sa anthrax, ibon ang sa bird flu, at maaaring paniki o pangolin ang sa COVID-19. Paano sila nagmula, bakit mapeligro, at saan maaaring sumibol ang susunod na pandemya? Nasa “Spillover” ni David Quammen, rekomendado ng The Economist.

Nakasalalay sa epidemiologists ang buhay ng mundo ngayon. Sa kasaysayan at mathematics nababatid nila kung ilan at saan malamang tamaan ng salot. Batay sa pagkontra sa malaria nu’ng patapos ang siglo-1900 nakita ang kahalagahan ng social distancing, lockdowns, at pagturo sa tao, ani Adam Kucharski sa “The Rules of Contagion”.

Kilala si Daniel Defoe sa kanyang “Robinson Crusoe”. Binida ng Economist ang di-gaano kilalang aklat niyang “A Journal of the Plague Year”. Bagama’t 5 taon gulang lang siya nu’ng nagka-bubonic plague sa London, 1665, inulat niya ito sa pagtanda na animo’y saksi siya sa 100,000 nasawi. Hinalaw niya ang detalye sa diary ng tiyo na Henry Foe.

Sa “The End of Plague” ako mangha mula nang ma­basa nu’ng 2018. Pinahalagahan doon nina Bronwyn Fryer at Jonathan Quick ang paghahanda at bukas na impormasyon – na sinablay ng mayayabang na gobyerno. Nabasa kaya nila ito? Malamang hindi, kasi nagdurusa ang mga mamamayan nila ngayon sa COVID-19.

SPANISH FLU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with