^

PSN Opinyon

Araw ng mga Puso

K LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Kapag sinabing Araw ng Mga Puso, hindi lang ito tungkol sa pag-ibig. Puwede rin natin itong ipatungkol sa ating sariling literal na puso. Opo. Kasi, kung masama ang lagay ng ating literal na puso sa loob ng ating dibdib, aba, eh walang kuwenta ang lahat ng ibang bagay. Tama ba? Sabi nga, lahat na, huwag lang sakit. 

At, alam n’yo ba, na ang sakit sa puso ang number one na dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino? Ayon sa National Statistics Office, mahigit 1,500 na Pilipino ang namamatay kada araw. At sa nakaraang dekada, ang ischemic heart disease ang pangunahin na dahilan ng pagkamatay, sinundan ng kanser at pangatlo ang pneumonia. Halimbawa, noong 2016, sa mahigit 580,000 na naitalang namatay sa Pilipinas, halos 75,000 dito ay dahil sa sakit sa puso.

Ang ischemic heart disease ay ang pinaka-pangkaraniwang uri ng sakit sa puso. Ito ay kapag walang sapat na supply ng oxygen at daloy ng dugo papuntang puso dahil sa kumikitid na daluyan sa mga ugat. Number one sa lalaki at pangalawa naman sa dahilan ng pagkamatay ng mga babae. Ayon sa mga espesyalista, kahit na marami nang pa-raan magpahaba ng buhay sa mga panahon ngayon, natatalo pa rin ng hindi tamang mga gawain ng tao ang pagkaka­taon sanang mabuhay nang malusog, masigla at mahaba.

Ano ang mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa puso? Binanggit ng espesyalista: 1. Tigilan ang ang paninigarilyo 2. Tigilan ang sobra at madalas na pag-inom ng alkohol. 3. Bantayan ang timbang na nasa tama lang ang katawan 4. Kailangan ng regular na ehersisyo (paglalakad, basketball, paglalangoy, iba pang sports o pagpunta sa gym, pag-akyat baba ng hagdanan, at iba pa) 5. Rekomendado ang pagbantay sa cholesterol sa katawan 6. Pag-iwas sa asukal at matatamis 7. Iwasan ang sobra o araw-araw na stress. 8. Iwasan magka-diabetes o siguraduhin ang bantay na hindi ito lumala 9. Bantayan ang kidney. Ang kidney at puso ay nagdadamayan 10. Kumain kasi nang tama. Balanse lang.

Aba’y hindi na bago ang lahat ng impormasyon na ito pagdating sa tamang ugali sa pagkain at pag-alaga sa katawan para humaba ang magandang buhay. Pero hindi ba’t diperensya naman natin lahat na isiping hindi ito mangyayari sa atin....hanggang nga sa mag kasintomas na at nagsimula na ang sira sa loob ng katawan. At kung anuman ang naipon natin sa pangungubang pagtrabaho, ayun, ubos sa pagpapadoktor, pa ospital at gamot. Damay pa ang buong pamilya sa pagkalugmok.

Tama lang na sa paggunita ng Araw ng mga Puso, tayo ay magmahal. Pero unang-una rito ay pagmamahal dapat sa sarili.

vuukle comment

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PILIPINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with