^

PSN Opinyon

Gen. Magaway, tuldukan mo si Ed Castro!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Magaling talagang kumatay si Ramil Alcantara, alyas Ed Castro, na nagpapakilalang management ng jueteng sa probinsiya ni Albay Gov. Al Francis Bichara.

Hindi matadero si Alcantara mga kosa kundi, tong kolektor para sa mga operating units sa PNP headquarters sa Camp Crame. Kabilang sa kinokolekta ni Alcantara, ayon sa mga kosa ko sa Camp Crame, ay ang opisina ni Maj. Gen. Mariel Magaway, ang hepe ng Directorate for Intelligence (DI). Kaya nasabi ng mga kosa ko na magaling kumatay si Alcantara dahil sa matindi itong magbawas sa mga lingguhang tara para sa PNP units nga. Ang masama pa, kahit ang Christmas bonus para sa mga police units ay nakatay ni Alcantara. Ang tindi nito, malakas pang manakot sa mga pulis si Alcantara kapag kinumpronta siya ukol sa pagsunog niya ng lingguhang payola ng mga PNP units. Ang pananakot ni Alcantara, ayon sa mga kosa ko, ay pasasabugin daw niya ang mga kausap. Sino kaya ang nasa likod ni Alcantara at malufet pa siya sa unipormadong pulis kung umasta? ‘Kaw ba ‘yon Mr. Ben?

Kaya naman nabisto si Alcantara kasi nga lumutang si Kap. Nemo, ang bagman ni Gov. Bichara dahil nabubulabog pa ang negosyo nilang jueteng kahit kumpleto naman ang parating nila. Iginigiit ni Kap. Nemo na malaki ang parating nila, pati na ang para sa Christmas party ng mga police units subalit nasunog pala ni Alcantara. Matibay talaga ang dibdib nitong si Alcantara ‘no mga kosa? Hamakin n’yo isang sibilyan lang si Alcantara subalit kung manakot sa mga pulis ay ganun lang? Dapat lang sigurong habulin ni General Magaway si Alcantara para mabura ang akusasyon na patong siya sa jueteng at iba pang ilegal sa kalye. Hangga’t hindi nasasawata ni Magaway si Alcantara, ang nasisira ay ang imahe ng PNP, ‘di ba mga kosa? Abangan!

AL FRANCIS BICHARA

ED CASTRO

RAMIL ALCANTARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with