^

PSN Opinyon

Pondo sa flood control ibigay na!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa nabubura ang alaala ng Bagyong Yolanda, muli na namang ginulantang sa takot ang aking mga kababayan­ sa Western Visayas particular na sa Capiz matapos salantain ng Bagyong Ursula na ikinamatay ng 4 katao. Sa nga­­yon, tuloy pa rin ang buhay ng aking mga kababayan. Ma­hirap ang kanilang sitwasyon sapagkat mabagal ang dating­ ng ayuda.

‘Di tulad ng ibang lalawigan na mabilis ang tulong. Noong Nob. 8, 2013 na manalasa ang Yolanda sa Capiz, 90% ng mga kabahayan at inprastruktura ang nasira. Walang tulong na dumating mula sa Aquino administration. Ang Canadian government ang namahagi ng tent, bigas, mineral water, kumot, banig at mga gamot sa Bgys. Butacal, Ja­mu­l-a­won­, Ameligan at Pilar.

Ngayon, muli na naman silang sinalanta ng Bagyong Ursula. Ngunit mukhang malaki ang tsansa ngayon na matutulungan na sila ni Pres. Rodrigo Duterte. Sa kasalukuyan, naglilibot na ang Philippine National Red Cross sa pamumuno ni Sen. Richard Gordon. Samantala, sa Iloilo ay may 6 na patay at lubog din sa baha. Baha rin sa Balasa, Estacia at Carles at maging sa Pontevedra, Capiz.

Nakapukaw sa akin ang bayan ng President Roxas (Lutodlutod). Sa pagkakatanda ko, 60 taon na ang naka­kalipas hindi binabaha ang naturang bayan dahil mataas ito. Umapaw ang Arangel River kaya lumubog ang mga kabahayan sa lugar. Ang masakit, mukhang nakaligtaan na ang proyekto.

Ayon kay Mayor Receliste A. Escolin noong 2017, may P60 million pondo na nakalaan sa flood control ng Arangel River subalit hanggang ngayon walang proyekto na nasimulan. Bahagi kaya ito ng pulitika kaya inalis ang pondo sa proyekto? Ayon pa kay Escolin nasa mga kamay na ni Office of Civil Defense 6 director Jose Roberto Nunez ang proyekto. Ang masakit, baka mabura dahil sa balitaktakan ng Senado at Kongreso sa insertion ng project.

Mga magagaling na mambabambo este mambabatas, ipakita n’yo sa sambayanan ang pagtulong ng tapat. Ibigay ang pondong sa proyektong magliligtas sa taumbayan. Abangan!

BAGYONG YOLANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with