Pasa sa katawan:Masama ba ito?
October 24, 2019 | 12:00am
Mga karaniwang dahilan ng pagpasa (bruises):
- Manipis ang balat -- Ang pasa ay nangyayari kapag ang mga daluyan ng dugo sa ilalim ng balat ay nabugbog, tumama at nahampas kaya maaaring magdugo sa ilalim ng balat. Kung ang balat ay nawala ang collagen dahil sa epekto ng pagtanda, ito ay mas madaling mapinsala.
- Laging naaarawan -- Ang balat na napinsala ng UV rays ng araw at nawawalan ng buhay at katatagan. Kaya mas madali o mas kapansin-pansin ang pasa.
- May iniinom na gamot -- Ang aspirin, steroid, at blood thinner ay maaaring magpabagal sa pagbuo ng dugo (blood clotting). Kaya kapag tumama ang tuhod sa kama, maaaring magkaroon ng mas malaking pagdurugo sa ilalim ng balat o magkapasa.
- Pagbuhat ng mabigat --Minsan ang pagbubuhat at pag-aangat ng may puwersa ay nagdudulot ng pagkasira ng fibers sa balat at nagdudulot ng pagpasa.
- Namana sa magulang -- May tao na mas madaling magpasa. Kung ang mga magulang lalo na ang ina ay nagkakaroon ng pasa sa walang kadahilanan, malamang ito rin ay mamanahin ng mga anak.
- Maputi ang balat -- Kung maputi at maputla ang iyong balat, mas madali makita ang mga pasa kaysa sa mas maitim ang balat. Pareho rin ang laki ng pasa pero mas pansinin lang sa mapuputi.
- May seryosong sakit -- Ito ay bihira lang, ngunit kung minsan ang pagpapasa ay maaaring maging tanda ng sari-saring blood clotting disorder at leukemia. Kumunsulta sa iyong doktor para makasiguro.
- Abuso sa bahay -- Ikonsidera rin ang pang-aabuso sa tahanan kung nakakakita ka ng madalas na pasa sa iyong kaibigan.
Kumunsulta sa doktor kung may mga mapapansing ganito:
- Malalaking pasa, lalo na kung lumitaw ito sa balakang, likod at mukha.
- Biglaang pagpasa ng magsimulang uminom ng gamot.
- History sa pamilya na madaling magka-pasa
Mga dapat gawin:
- Karamihan sa pasa ay kusang nawawala.
- Ang paggaling ng pasa ay mas matagal habang nagkakaedad.
- Maaaring makatulong ang paglagay ng yelo sa apektadong bahagi.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended