^

PSN Opinyon

Bayani ang mga guro

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

AKO ay personal na nagpapasalamat sa lahat ng aking­ mga guro para sa kanilang dedikasyon, pasensiya at pag­hihirap sa trabaho. Sa totoo lang ay nakikiisa ako sa layu­nin ng MBF sa paglalaan ng ika-limang araw ng Oktubre ng bawat taon bilang National Teacher’s Day para maalala natin ang ating mga guro at bigyang parangal. Lahat nang kanilang ginagawa ay nagsilbing halimbawa sa aking pagtanda para ako ay maging kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan. Sa selebrasyon ng National Teacher’s Month at National Teacher’s Day ay naaalala ko ang aking ina na si Natalia C. Sison na nagsilbing guro ko sa ika-limang baytang sa UST Elementary School at sa aking ama na si Bien­venido A. Sison, Sr. na nagsilbing General Principal ng UST High School kung saan ako nag-aral. Nagsilbi silang magulang at guro para sa akin. Nagpapasalamat ako sa Panginoon para sa pagbibigay sa kanila bilang aking mga magulang at guro. Nagpapasalamat din ako sa aking mga propesor sa UST College of Liberal Arts at sa Ateneo de Manila University College of Law na nagturo sa akin ng “mens sana en corpore sano” (maayos na isipan, maayos na katawan).

May apat na salita ng pasasalamat na ginawa ang MBF – Appreciation, Admiration, Approval and Attention.

Sa “Appreciation”, nagpapasalamat tayo sa lahat ng ginawa ng ating mga guro para maramdaman nila ang kani­lang importansiya sa ating lipunan.

Sa “Admiration” o pagbibigay-pugay sa ating mga guro ay ipinapakita natin sa kanila ang ating paghanga. Ipina­kikita natin sa kanila ang ating mataas na paghanga sa kanila.

Sa “Approval” o pagtanggap sa kanilang kahanga-hangang ginawa sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mga guro na minsan ay lampas o higit pa sa kinakailangan. Ang layunin nito ay para sa pagtaguyod ng ating bansa.

Sa “Attention” o pagbibigay pansin at konsiderasyon sa kalagayan ng ating mga guro ay hindi tayo nagiging bulag sa kanilang mga pangangailangan. Imbes ay  gagawa tayo ng paraan para matulungan silang mapataas ang kanilang suweldo at mapabuti ang antas nila sa lipunan.

Isama sa ating mga panalangin ang mga guro. Ang Panginoon ang ating pinakamagaling na guro na tumutulong, nagmamahal at nangangalaga sa kanila. Patuloy nawang pagyamanin ang kanilang mga kaisipan at huwag silang hayaan na sumuko sa mga hamon ng buhay. Pa­tuloy nawa nilang ilatag ang daan para lumiyab ang alab ng karunungan sa ating mga kalooban at bigyan din sana sila nang mahabang pasensiya, gabayan sila sa kanilang gawain sa araw-araw at patuloy na maging halimbawa sila ng ating lipunan.

NATIONAL TEACHERS DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with