^

PSN Opinyon

200 delegasyon ng Pilipinas

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LABING-ANIM na Cabinet members at 200 miyembro ng delegasyon ng Pilipinas, hindi pa kabilang ang mga negosyante. Ito ang bilang ng mga kasama ni President Duterte sa Japan.

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, mukhang gantimpala o pabuya ang pagsama ni Duterte sa napakaraming miyembro ng Gabinete at de­legasyon, para sa tagumpay ng administrasyon sa kata­tapos na election. Matatandaan na walang nakapasok sa oposisyon. Pero mukhang si Laurel ay nagtataka at nagugulat sa rami ng kasama ni Duterte.

Nagpahayag nga si Laurel na wala namang gagawin ang ibang mga kalihim sa nasabing pagpupulong sa Japan, kaya mukhang bakasyon nga. Ang organisasyong Nikkei naman daw ang magbabayad, kaya hinila na siguro ang mahihila.

Hindi malinaw kung sasagutin ang Presidente lamang, o lahat ng kanyang isinama. Ganun pa man, kailangan bang bitbitin lahat? Hindi ba nakakahiya na karaniwang Pilipino ang ipinakita na naman kung saan bitbit ang buong barangay? Kahit ba sagot ng Nikkei ang sinumang sumama, dapat bang isama lahat?

Sa mga nakaraang administrasyon, kapag ganito ka­rami ang sumasama sa Presidente sa kanyang mga opisyal na biyahe ay binabatikos kaagad nang husto. Kesyo walang delikadesa, gastos lang ng gobyerno.

Pero ngayon, tila walang isyu. Kung 16 na kalihim ang kasama, sino ang mga iba? Mga kalihim nila, at ka­nilang kalihim? At ganito nga ang tatak ng administrasyon ni Duterte kapag may opisyal na biyahe kung saan man. Dala lahat. Pagsamantalahan na siguro ang biyaheng sagot ng gobyerno o ng ibang gobyerno. 

Ang sabi ay baka P300 bilyon na puhunan ang maipasok sa bansa mula Japan kapag matapos ang opis­yal na pagbisita ni Duterte. Sana nga. At ang maganda sa Japan ay hindi mataas ang interest rate, kung sakaling humiram ang bansa para sa mga proyektong imprastraktura.

Handa rin ang Japan na tumulong sa seguridad ng bansa, partikular ang banta ng terorismo at siyempre, ang pambu-bully ng China sa karagatan. Ano na nga ba ang nangyari sa bilyun-bilyong pisong halaga ng mga proyekto na popondohan umano ng China? Ang Kaliwa Dam pa lang ba ang masisimulan kahit may pagtutol?   

JOSE LAUREL V

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with