^

PSN Opinyon

Kidnap

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

ANG krimen ng serious illegal detention sa ilalim ng batas (Art. 267 – Revised Penal Code) o kidnapping ay ginagawa ng isang tao na gumagaya sa isang opisyal ng gobyerno. Tinatanggalan nito ng kalayaan at ikinukulong o itinatago ng labag sa kanyang kagustuhan ang isang menor-de-edad, babae o kahit pa isang opisyal sa loob ng higit 5 araw.

Sinasaktan o tinatakot din ng akusado na papatayin ang kanyang biktima. Pero ano ba ang dapat mapatunayan para mahatulan sa nasabing krimen? Ito ang isyung sasagutin sa kaso ni Carina.

Habang nakatira kasama ng kanyang siyota at ka live-in na si Joseph, nabuntis si Carina. Pagkatapos ma­ipanganak ang isang sanggol na babae na tinawag na Baby Jessica, inabandona ni Joseph ang mag-ina. Napilitan si Carina na pumunta sa bahay ni Lenny at inalok ang babae kung gusto nitong ampunin ang kanyang anak dahil nga nilayasan na sila ni Joseph.

Naawa sa sanggol, hindi nakatanggi si Lenny at tinanggap ang alok ni Carina. Agad siyang gumawa ng sinumpaang salaysay na pinapirmahan kay Carina para maging pormal ang pag-ampon sa sanggol.

Lumipas ang 4 na buwan, muling bumalik si Carina sa bahay ni Lenny. Nagbago na ang kanyang isip at balak na bawiin si Jessica pero hindi ito nagustuhan ni Lenny. Nagmatigas si Lenny na siya lang ang may karapatan sa kustodiya ng sanggol.

Nagkagulo sina Carina at Lenny. Hinampas ni Carina sa ulo si Lenny gamit ang nadampot na chisel. Nanghina at hindi makakilos si Lenny. Sinamantala ito ni Carina at kumuha pa ng gunting na ipinanakot kay Lenny. Pilit niyang pinaaamin ang babae kung nasaan ang pinirmahan niyang sinumpaang salaysay.

Dahil sa kanilang ingay, nakatawag-pansin na sila sa mga tao. Nagtumpukan sa labas ng bahay ni Lenny ang mga miron. Nakaamoy ng panganib, humingi ng pera at sasakyan si Carina para makatakas. Pero papunta sa kotse ay naharang siya ng mga tao. Nakuhang arestuhin ng mga pulis si Carina. (Itutuloy)

SERIOUS ILLEGAL DETENTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with